Ang Melburnian na abogado na si Paul Dizon ay dalubhasa sa skilled migration, employer sponsorship, student visas at visa refusals.
Ayon kay Mr Dizon, "Australia’s immigration system is the most complex and unstable piece of legislation changing with every political whim."
Dahil sa kawalang-tatag ng sistema, kinakailangang alam ng mga aplikante ang mga pagbabago na makaka-apekto sa kanilang mga plano.
"The first of July is when the government sets quotas and planning levels for spots in state sponsorship and skilled migration," saad ni Mr Dizon.
1. Pagtaas ng presyo ng visa Image
Tataas ng 5.4% ang karamihan sa mga visa types simula Hulyo 1.
Ang halimbawa ng mga ito ay:
* Tataas ang student visas mula $575 patungong $606
* Tataas ang General Skilled Migration visas mula $3,755 patungong $3,958
* Tataas partner visas mula $7,160 patungong $7,547
Hindi magbabago ang presyo ng 600 Visitor visa at 143 Contributory Parent visa.
2. Mga pagbabago sa points test system para sa skilled independent migrantsImage
Ayon kay Mr Dizon, magsisimula ang pagbabago sa points test system nitong Nobyembre 2019.
Kasama sa mga pagbabago ay "awarding additional points; including, applicants who are single, partners who have good English skills and applicants that are sponsored by a state government or relative in a regional area."
3. Mas striktong tuntunin para sa partner visasImage
Tatagal ang proseso ng pag-apply para sa partner visa.
"A procedural change will happen where the Australian partner must be approved to sponsor their spouse or de facto partner. You will not longer be able to lodge a partner visa immediately until your Australian sponsor has had their criminal history or character assessed," saad ni Mr Dizon.
4. Designated Area Migration Agreements (DAMA)Image
Dahil sa Designated Area Migration Agreements (DAMA), maaari ng mag-sponsor ang mga employer ng mga indibidwal na hindi papasa sa points test. Mabibigyan ng temporay visas ang mga ito na maaaring maging permanent visa pagkatapos ng ilang taon.
"Occupations under a DAMA usually have concessions or exemptions such as lower English score, no requirement for a skills assessment or work experience. The following regions are eligible for DAMA: Far North Queensland, Goldfields, Norther Territory, Orana, Pilbara, Warnambool and South Australia," saad ni Mr Dizon.
Maaari ng sumali ang mga employers sa programa mula Hulyo 1.
Ayon kay Mr Dizon, "Recently, with these changes, I believe immigration to Australia has become a little bit stricter. Skilled migrants are going to continue being in demand, particularly those professionals such as nursing engineering IT, social welfare. There’s also a greater push for people to move to regional areas of Australia because of the already-high competition in places like Melbourne and Sydney."
Paniwala din niya na mas mainam na bigyang pansin ng mga aplikante ang mga lugar na nangangailangan ng skilled workers.
"For example, for students, if you look at Western Australia, the government is sponsoring a lot of students who are graduating from schools in that state," aniya.
ALSO READ