1. Pagbabawal ng pagtapon ng e-waste sa mga landfill
Upang mas mapangalagaan ang kalikasan, ipagbabawal na ng Victorian Government ang pagtatapon ng electronic waste (e-waste) sa mga landfill. Kasama sa e-waste ang mobile phones, TVs, radyo, baterya, at bumbilya.

E-waste will no longer be disposed of in landfills. Source: Pexels
Kinakailangan ng dalhin ng mga residente ang kanilang e-waste sa mga e-waste drop-off points.
Para sa karagdagang impormasyon, tawagan ang iyong local council at bumisita sa .
2. Mga pagbabago sa repayment para sa Higher Education Loan Program (HELP)
Kasama sa mga pagbabago sa Higher Education Loan Program (HELP) ang panibagong minimum repayment na threshold na $45,881, na may 1% repayment rate at, pagbabago sa mga repayment requirements na tumitingin din sa kasalukuyang cost of living imbis na Average Weekly Earnings (AWE) lamang.

There will be repayment changes for the Higher Education Loan Program (HELP). Source: Pexels
3. Mga reporma sa superannuation upang maprotektahan ang retirement savings
Kasama sa mga reporma sa superannuation ang pagkakansela sa mga insurance policies para sa mga accounts na hindi ginagalaw ng 16 na buwan; ang pagsara sa mga accounts na hindi na gagalaw na mababa ang balase; ang cap na 3% kada taon kung ang balanse mo ay $6,000 o mas mababa; at ang pagbabawal sa exit fees.

Superannuation reforms will be rolled-out in an effort to protect retirement savings. Source: Pexels
4. Pagtaas ng work bonus
Magbibigay ng benepisyo para sa mga nakakatandang Australyano, ang Work Bonus ay tataas ng $300 kada dalawang linggo.

Work bonus will increase to $300 per fortnight. Source: Pixabay
5. Pagbabago sa Pension Loans Scheme (PLS) 

You could potentially get increase of 100% to 150% of the maximum fortnightly pension rate. Source: Pixabay
Tataas ng 100% hanggang 150% ang maximum fortnightly pension rate para sa mga maaaring sumali sa PLS.
6. Pagbabago sa penalty rates at allowances para sa mga nagtatrabaho sa mga industriya ng Fast Food, Hospitality, Pharmacy at Retail
Ang mga apektado ng mga pagbabagong ito ay ang mga permanente at casual na empleyado na nagtatrabaho tuwing Linggo, public holidays, gabi o pagkalagpas ng hatinggabi sa mga industriya ng Restaurant, Hospitality, Pharmacy, Fast Food at Retail.

Penalty rates and allowances change for those in the Fast Food, Hospitality, Pharmacy and Retail industries. Source: Pixabay
7. Ang pagkakaroon ng Default Market Offer (DMO) para sa mga energy companies

With the DMO, energy companies will be unable to price their standing offers above the given cap. Source: Pixabay
Simula Hulyo 1, kinakailangang ibigay ng mga energy providers ang Default Market Offer (DMO) sa mga kliyente nila sa South Australia, New South Wales and southeast Queensland beginning July 1.
Dahil dito, malalagyan ng cap ang babayaran ng mga kliyente sa mga energy companies.
8. Pagbaba ng Opal weekly fares


Opal weekly fares will decrease. Source: Pixabay
Habang tataas ang pamasahe sa New South Wales ng 1.9%, makakadanas ng pagbaba ng pamasahe ang madalas bumiyahe gamit ang Opal weekly pass.
Ang pinakamataas na pamasahe para sa mga nakakatanda ay $50 kada linggo, habang ang concession cap ay bababa mula $31.60 patungong $25 kada linggo.
BASAHIN DIN