Isang gradweyt ng immigration law mula Victoria University noong 2013, marami na ring nahawakang kaso ang Victorian migration agent na si Em Tanag. Marami sa mga nahawakang kaso ay ang skilled visa, at iilan doon ay ang skilled visa para sa mga guro.
"There are a lot of teachers from the Philippines who want to migrate to Australia, but it can be difficult,' aniya.
Para sa mga nagnanais na makakuha ng Australian skilled visa para sa pagtuturo, saad ni Ms Tanag na kailangang tandaan ang mga sumusunod:
1. Ang isa sa pinaka-malaking hamon ay ang IELTS.
Ayon kay Ms Tanag, ang pinaka-malaking hamon para sa mga gurong gustong pumunta ng Australya ay ang IELTS.

We only have a handful of teachers because the IELTS is their number one hurdle when it comes to migrating. Source: IELTS
Para sa mga guro na nagnanais na mag-apply para sa skilled visa, kinakailangan nilang kuhanin ang academic test, at kailangan nilang makakuha ng 7 sa reading at writing, at 8 sa speaking at listening. Hindi maaaring kuhanin ang ibang examen sa Ingles gaya ng PTE, Cambridge at OET.
"There are a lot of teachers who are good in English, but when they take the IELTS, they aren't able to meet the requried scores. This is why we only have a handful of teachers [applying]. There are a lot of slots for teachers in Australia, but not a lot of people apply, compared to say, accountants," saad ni Ms Tanag.
Ayon sa kanya, may mga nakita na rin siyang kaso kung saan bumagsak ang mga native speakers sa examen.
Saad ni , pinsan ni Ms Tanag at isang secondary school teacher mula Pilipinas, kinailangan niyang kuhanin ang examen ng apat na beses.
"It took me two years to fulfill the IELTS requirement. I had a problem with the writing and speaking parts of the exam. Actually, even after taking the test four times, I still wasn't able to reach the required scores. My sister suggested I have my scores reassessed by IDP in Australia, the group giving the test in the Philippines. After reassessment, I got an extra 0.5 so I was able to meet the required band score," saad niya.
2. Maaari kang ma-exempt sa IELTS.
Maaari ka lamang ma-exempt sa IELTS kung kinuha mo ang iyong Bachelor's degree in Education sa mga bansa gaya ng Australya, Canada, Ireland, New Zealand, UK at Estados Unidos.

You can be exempt from taking the IELTS if you have a Bachelors degree in Education from countries like Australia, Canada, the UK and United States. Source: Pexels
3. Hindi lahat ng guro ay eligible mag-apply para sa skilled visa sa Australya. Tingnan ang skilled occupations list.
Hindi lahat ng guro ay elgible para mag-apply para sa skilled visa sa Australya.

Check the skilled occupation list if you are eligible to apply for a skilled visa to Australia as a teacher. Source: Flickr/U.S. Department of Agriculture's photostream/CC BY 2.0
Ayon kay Ms Tanag, kailangan tingnan mabuti ng mga aplikante ang short-term skilled occupation list (STSOL) at, ang medium and long-term strategic skills list (MLTSSL).
Kasama sa MLTSSL ang mga early childhood teachers, secondary school teachers, special needs teachers, teachers for the hearing impaired, teachers for the sight impaired, special education teachers not elsewhere qualified at university lecturers.
Sa kabilang banda, kasama sa STSOL ang mga primary school teachers, middle school teachers, education advisers, art teachers, dance teachers, music teachers private tutors and teachers not elsewhere classified, teachers of English to speakers of other languages, school principals and vocational education teachers.
4. Assessment, application, assessment.
"Most of the time, if teachers from the Philippines complete their qualifications as teachers and they are able to complete 45 days of supervised training, they can qualify for an assessment from the Australian Institute for Teaching and School Leadership (AITSL)," saad ni Ms Tanag.

Teachers have to go through several assessments and applications in order to apply for a visa to Australia, and to practise teaching in the country. Source: Pexels
Ayon sa kanya, kailangang tandaan na hindi lahat ng kwalipikasyon mula sa Pilipinas ay kinikilala sa Australya. Maaaring kailangang dumaan sa skills assessment ang isang aplikante upang makita na ang degree niya mula Pilipinas ay maihahambing sa isang degree mula Australya.
"The assessment can take roughly two months. It can be longer though if it verifying your degree with your school proves to be difficult," aniya.
5. Mas mabilis ka makakatanggap ng imbitasyon kung mas mataas ang puntos mo.
Maaaring maghintay ka ng dalawang taon bago mo makuha ang imbitasyon para makapag-apply ng visa. Ito ay dahil ang prioridad ay binibigay sa mga may matataas na puntos base sa Skilled Migration Points Test.

The higher your points, the more likely you will get an invite to apply for a skilled visa to Australia. Source: Pixabay
Ayon kay Ms Tanag, "Those who have higher points will get invited sooner. For example, those with 80 or 85 points will be prioritised over those with 65 points."
Saad din niya na mahalagang tandaan na kapag natanggap mo na ang imbitasyon, may 60 na araw ka para i-lodge ang iyong application.
BASAHIN DIN