Turuan ang iyong anak ukol sa pera

Ang pagiging responsable pagdating sa pera ay hindi lamang naka-ikot sa papel na pera at barya. Naka-base ito sa karakter at pagbibigay-halaga sa pag-aari.

Family

Teach your kids financial responsibility. Source: Pixabay

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mababa ang kaalaman ng karaniwang Pilipino ukol sa pera. Nadiskubre ito ng organisasyon pagkatapos ng isang financial literacy test kung saan nasugutan lamang ng mga sumali ang tatlo sa pitong tanong ukol sa pera, interes at inflation.

Nagmula ito sa kakulangan ng pagtuturo ukol sa pera mula sa ating pagkabata.

Upang maturuan ang ating mga anak ukol sa pera, ito ang ilan sa mga bagay na maaari mong gawin:

1. Magbukas ng savings account para sa iyong anak.

Savings
As your child grows, so does his savings. Source: rawpixel.com from Pexels


Sa Australya, maaaring magbukas at mamahala ng savings account ang mga magulang para sa kanilang anak hanggang lumaki siya. Upang makuha ang naka-ukol na interes, kinakailangang mag-deposito ng pera kada buwan sa account. Hindi maaaring mag-withdraw ng pera sa account hanggang lumaki ang bata.

2. Bigyan ng piggy bank ang iyong anak.

Piggy Bank
A piggy bank gives your child a sense of ownership. Source: rawpixel.com from Pexels


Sa pamamagitan ng piggy bank, mararamdaman ng iyong anak na may pag-aari siya. Marami ring batang natutuwa kapag naglalagay sila ng barya sa loob nito.

3. Maglaro.

Monopoly
Monopoly is a great game to play with your children to teach them about money. Source: Suzy Hazelwood from Pexels


May mga larong nakakapagturo sa iyong anak ukol sa pera, pagbibilang, pagtitipid at pagba-badyet.

4. Huwag mong sabihin na wala kang pera.

Shopping
"Mum has money, but she chooses not to spend it today." Source: Sunbae Legacy by Pexels


Kapag mamimili kasama ng iyong anak at humihiling siya ng laruan, huwag mong sabihin na wala kang pera. Negatibo ito, at maaaring tumatak ang paniniwalang ito sa isip ng iyong anak.

Imbis na sabihin mong wala kang pera, sabihin mo sa iyong anak na may pera ka, pero pinipili mong hindi ito gastusin ngayon.

5. Maging mabuting ehemplo.

Woes
Your money woes affect your children's well-being. Source: Zun Zun by Pexels


Ang mga magulang ang pinakamalaking impluwensya sa buhay ng mga bata.

Kapag magastos ka, maaaring maging magastos din ang anak mo. Kung matipid o kuripot ka, maaari ring maging ganoon ang bata.

Iba-iba ang pamamaraan ng pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak, ngunit ang dapat iwasan ay ang pag-aaway ukol sa pera sa harapan ng mga bata. Ayon sa isang pag-aaaral ng The Children's Society, nakakaapekto ang mga pag-aalalang pinansyal ng mga magulang sa mga bata. Maaaring ma-stress at ma-depress ang mga bata.

Habang hindi mawawala ang mga isyung pinansyal, gawin ang lahat ng inyong magagawa upang hindi maapektuhan ang mga bata.

BASAHIN DIN
Follow  on Facebook


Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends