Ipinagmamalaki ng magulang na si Michael at Vanessa Castelo ang kanilang dalawang anak na sina Giselle (11 taong gulang) at Michael (8 taong gulang) na parehong naglalaro ng basketball sa isang naka-base sa komunidad na volunteer club na "Marymede" sa South Morang.
Sa maagang edad na 5 taon, nagustuhan ng kanilang mga anak ang paglalaro na nagsimula sa kanilang bahay sa pamamagitan ng panonood ng mga larong basketball kasama ang kanilang ama. Naalala ni Vanessa, "as you know, Filipinos really love basketball so of course it starts at the home, you know their father plays basketball, their uncles pretty much everyone in the family, their grandparents.. so um from a young age it was already instilled in them that they had to play basketball that was the beginning of their love for the sport".
Si Giselle ang unang anak ng mag-asawa, gustong-gusto niya ang paglalaro. Nagustuhan niya ang gusto ng kanyang ama. Pumupunta siya sa mga laro ng kanyang ama at interesadong matutunan ito. sinimulan ni Giselle ang kanyang kumpetisyon sa edad na 7 taong gulang ngunit nagsimulang kumuha at mag-dribol ng bola sa edad na 4. Hindi naniniwala si Michael sa pagtulak o pagpwersa sa mga bata. Para sa kanya, ang daan ay hikayatin silang maglaro. Bagaman naging matagal bago nagustuhan ng kanyang anak na asi Michael ang paglalaro,di nagtagal ay nagustuhan din niya ito.
"With my boy, being a boy, I'm like please do basketball... I don't really want to try and push my kids that much..I encourage them to play the game. But it took awhile for my son to get into it cos he was more so into his legos... Not as sporty as I would have liked but I think my girl ended up getting all that gift for now". Michael added.

Michael with fellow basketball player. Source: Vanessa Castelo
Inamin ni Vanessa na hindi madali na hawakan ang lahat ng ito lalo na't nagtatrabaho ng full time ang mag-asawa. Ngunit, ang pakikipagtulungan sa kanyang asawa na si Michael at dahil na rin sa matatag na suporta ay naging mas madali ito.
"It's busy, it's is a juggling act..Being a full time working mom you get through it..The weeks go very quickly but lucky for me I got good support network around me which helps quite a lot."

Michael and Giselle castelo during and after their game Source: Michael Castelo
"I'll take one child and he might take the other. On other days, He plays basketball himself.. So we have to work around that as well.. Obviously if the game times are overlapping on a Saturday we would have to split and one parent would take one child and obviously the other would take the other." Vanessa added.

Michael Castelo and son Michael preparing for a training Source: Michael Castelo
ALSO READ: