Mga pamahiin tungkol sa pagbubuntis at pagpapalaki ng anak

Luma na ang mga paniwalang ito. Ngunit, aminin mo, sumusunod ka pa rin sa mga kasabihang ito - para lang sigurado.

Pinoy superstitions about pregnancy and children

Admit it - you still adhere to these Pinoy superstitions. Source: Getty Images/Indeed

1. Huwag tumingin sa 'pangit' kapag buntis.

Bag Head
Beauty is as beauty does. Source: Getty Images/Andrew Bret Wallis


Kung hindi ka naniniwala na lahi ang nagdidikta sa itsura ng isang tao, maaring paniwala mo na kapag tumingin ka sa 'pangit,' magiging 'pangit' din ang anak mo. Sa kabilang banda, kapag tumingin ka sa 'guwapo' o 'maganda', magiging 'guwapo' o 'maganda' rin ang anak mo. 

Pero siguro, mas mainam na tumingin ka na lang sa katabi mo sa kama. O sa salamin. 

2. Huwag maligo ng isang linggo pagkatapos mong manganak.

giving birth
Giving birth is dirty business. Source: Getty Images/RubberBall Productions


Sasabihin sa iyo ng sinumang nanganak na na ang paglabas ng bata mula birth canal, o di kaya'y ang pagkalikot ng mga laman ng tiyan mo upang ilabas ang bata ay maduming proseso. Pawis, dugo, at kung anu-ano pang likido at di-masabing bagay ang lalabas sa iyo. 

Kaya, oo, magpahinga ka ng matagal pagkatapos mong manganak; pero, para sa kapakanan mo at sa kapakanan ng iba, huwag kang magtiis ng isang linggo para maligo.

3. Pilyo at malikot ang batang may dalawang puyo.

2 puyo
Unruly hair, unruly child? Source: Nikki Alfonso-Gregorio


Nasa lahi ang pagkakaroon ng dalawang puyo, ngunit walang siyentipikong basehan na ang dalawang puyo ang sanhi ng pagkakulit at pagkapilyo ng isang bata.

Ang totoong magulong bahagi ng batang dalawa ang puyo? Ang buhok sa likod ng kanilang ulo na ayaw bumaba.

 4. Pwera usog at paglagay ng laway sa tiyan ng bata.

Tummy
Seriously - don't let other people wipe saliva on bub's tummy. Source: Pixabay (Creative Commons)


Paniwala ng mga Pinoy na magkakasakit ang isang bata kung babatiin ito. Kapag binati ang bata, kinakailangang lawayan ng bumati ang tiyan nito upang maiwasan ang usog o sakit.

Ngunit higit pa sa usog, ang kailangang alalahanin ng mga magulang ay ang laway ng ibang tao; dahil sa katunayan, ang loob ng bibig ang pinakamaduming bahagi ng katawan ng tao.

5. Pagkatapos gupitan ang buhok ng bata, ipitin ang nagupit na buhok sa mga pahina ng diksyunaryo.

first haircut
Will placing bub's hair in between dictionary pages turn him into a wordsmith? Source: Getty Images/Yasser Chalid


Dahil makapal ang disksyunaryo at marami itong nilalaman na mga salita, ang pamahiin ay kapag inipit ang nagupit na buhok sa librong ito, kakapal ang buhok ng bata at magiging matalino siya.

Ayon sa paniwalang ito, ang paglagay ng buhok sa libro ay nagreresulta sa katalinuhan; ngunit, sa totoo lang, mas maganda ang resulta kapag tinuruan mo na lang magbasa ang iyong anak.

BASAHIN DIN

Share
Published 12 September 2018 8:21am
Updated 12 September 2018 11:51am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends