Mga sangkap
Para sa fritters
600 gms butternut pumpkin, nabalatan at nakahiwa sa maliliit na piraso
2 itlog, beaten
1 garlic clove, natadtad
3 tbsp tinadtad na flat-leaf parsley leaves
3 tbsp almond meal
3 tbsp arrowroot o tapioca flour
Sea salt and freshly ground black pepper
2 tbsp coconut oil
Sesame seeds
Avocado oil
Micro herbs
Para sa zucchini hummus
150 gms zucchini (1 medium-sized), thick ribbons
3 tbsp flat-leaf parsley o mint leaves
Zest and juice of 1 lemon
1 tbsp avocado oil
1 clove ng bawang
1 tbsp tahini
¼ tsp freshly ground black pepper
¼ tsp sea salt
Paraan ng pagluluto
1. I-preheat ang oven tsa 200 degrees Celsius at lagyan ng baking paper ang baking tray.
2. Para sa hummus, ilagay ang zucchini ribbons sa baking tray. I-drizzle ang avocado oil sa zucchini at lutuin ng 10-15 na minuto o hanggang lumambot ang mga ito. Ilipat ang zucchini sa food processor at gawing smooth puree. Itabi.
3. Para sa fritters, maglagay ng steamer sa ibabaw ng isang saucepan na may konting tubig. Pakuluin ang tubig. Ilagay ang pumpkin, takpan at i-steam ng 3-5 na minuto o hanggang lumambot ito. Ilipat ang pumpkin sa isang bowl at durugin gamit ang tinidor. Idagdag ang itlog, bawang, parsley, almond meal at arrowroot o tapioca flour. Haluin at lagyan ng asin at paminta.
4. Initin ang coconut oil sa isang frying pan. Maglagay ng isang kutsara ng batter sa kalan at i-flatten gamit ang spatula. Lutuin ang mga ito ng 8-10 minuto. Tanggalin sa kalan at i-drain sa paper towel.
5. Lagyan ng hummus ang mga fritters. Lagyan ito ng kaunting avocado oil, sesame seeds at micro herbs.
BASAHIN DIN

Luke Hines, Australia's Clean Living Expert, personal trainer and Best Selling Author Source: Luke Hines
READ MORE

5 Keto-friendly na mga pagkain