Bernadette Favis ng Cocolife

Akala ni Bernadette Favis na nahanap na niya ang calling niya sa corporate law, hanggang muli niyang nadiskubre ang sangkap na nakatulong sa kanyang magbawas ng timbang.

Bernie

Bernadette Favis of Cocolife Australia Source: Bernadette Favis

Ang coconut oil

Dating nagtatrabaho bilang corporate lawyer si Bernadete Favis. Ayon sa kanya, dahil sa dami ng trabaho, madalas convenient pero unhealthy ang pagkaing kinakain niya. Hindi lang siya pagod, tumaba pa siya. Kinailangan niya ng pagbabago.

"One of the things that I [found while researching weight loss tips] was that the cooking oil you use makes a big difference in terms of your metabolism and the nutritional profile of your food," saad niya.

Dahil ninanais niyang magbawas ng timbang, inisip ni Ms Favis na palitan ang ginagamit niyang oil na panluto.

Nadiskurbre niya na ang pinakamainam na gamitin ay ang coconut oil dahil mayroon itong medium chain triglycerides, na isang "good, healthy fat for your body. It helps in increasing your metabolism. It also has a high smoke point, so when you cook with it, its nutritional profile doesn’t change because it can tolerate heat."

Pagkatapos niyang malaman ang mga ito ukol sa coconut oil, napagtanto niya na hindi kasing-ganda ng kalidad ang coconut oil sa Australya kumpara sa Pilipinas. Naalala niya ang kabataan niya kung kailan madalas magluto ang kanyang lola gamit ang coconut oil.
bernie and lola
"My grandmother would use coconut oil for her hair, her skin [and of course,] for cooking." Source: Bernadette Favis
"I'm from Baguio, and growing up, my grandmother would use coconut oil for her hair, her skin [and of course,] for cooking. She was a great cook.  She would cook Maja Blanca, and fried rice with coconut oil instead of butter or other oils. She also used it to fry tilapia and milkfish," tanda niya.

Ang Cocolife

Hinahanap-hanap ni Ms Favis ang lasa ng coconut oil mula Pilipinas, kaya naman inisip niyang dalhin ito sa Australya sa pamamagitan ng kanyang health food company, ang .

Wala masyadong alam si Ms Favis ukol sa food industry, ngunit dahil abogado siya, madali niyang nagawa ang mga negosasyon, kontrata at trademarks at iba pa. Nahirapan siya sa mga estriktong food requirements sa Australya; ngunit, natugunan niya ito at nanalo ng Australian Certified Organic award ang Cocolife dalawang taon ng nakalipas.

Upang magpakatotoo sa kanilang misyon na 'Inspire Goodness', maganda ang kalidad ng mga organic na produkto ng Australya, nagbibigay ang Cocolife ng trabaho sa mga magsasaka sa Pilipinas, at nagbibigay ng isang porsyento kada nabentang produkto para sa pagpapangalaga ng mundo.
cocolife
Cocolife aims to 'Inspire Goodness'. Source: Bernadette Favis
Kasama sa mga produkto ng Cocolife ay ang organic virgin coconut oil para sa pagluluto; ang 100% pure fractionated coconut oil na ginagamit bilang massage oil at moisturiser; ang coconut oil spray at; ang omega-rich, cold-pressed avocado oil spray na mahahanap na sa Woolworths nitong Enero.

Noong tinanong siya kung ano ang kanyang paboritong produkto, natawa si Ms Favis laughs. Saad niya, "That’s a hard question. It’s like having to choose which one of your kids is your favourite."

Mahirap man mamili ng paborito niya, sinabi ni Ms Favis na mayroon siyang paboritong daily ritual gamit ang isa sa mga produkto ng Cocolife. Hinahalo niya ang MCT Keto Tonic at grass-fed butter sa kape niya sa umaga. Ayon sa kanya, nabibigyan siya nito ng lakas dahil ang caffeine ay "released in my body at a balanced pace throughout the day".
mct keto
Ms Favis adds the MCT Keto Tonic to her morning coffee. Source: Bernadette Favis
Ang MCT Keto Tonic, na may loyal following, ay bahagi ng Luke Hines range ng Cocolife.

Maliban sa pagiging isa sa pinakilalang clean-living experts sa Australya at personal trainer ni Angelina Jolie, co-owner din ng Cocolife si Luke Hines.

"We call our partnership a match made in nutritional heaven," saad ni Ms Favis ukol sa business partnership at pagkakaibigan nila ni Mr Hines.
bernie and luke
Ms Favis and Luke Hines, a match made in nutritional heaven. Source: Bernadette Favis
Habang nasa nutritional heaven si Ms Favis, saad niya upang maabot ang kalusugan, huwag mag-pokus sa diyeta o i-base ang pag-asa sa mga natamo ng iba. Ang naging mabisa para sa kanya ay ang pagkakaroon ng panibagong lifestyle, pag-manage sa mga expectations at paggawa ng mga simpleng pagbabago.

"Keep it simple, get cooking and enjoy the process," aniya.

 

BASAHIN / PAKINGGAN DIN



Share
Published 18 January 2019 8:43am
Updated 5 February 2019 11:04am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends