Ang (o keto diet) ay low-carb, high-fat diet na nagbibigay ng maraming benepisyo sa kalusugan. Lumabas sa mga pag-aaral na ang diyeta ay nakakatulong sa pagbawas ng timbang at pagpapabuti ng iyong kalusugan.
Gayunpaman, bago pasukin siguraduhing gawin ang pagsisiyasat at komunsulta sa doktor dahil ang ganitong tipo ng diyeta ay ginagamit sa medikal na paggamot ng mga pasyente ng diabetes, kanser, epilepsy at Alzheimer's disease.
Kabilang sa proseso ang pagpapababa ng pagkain ng carbohydrate at pagpalit nito ng taba. Ang pagpapababa ng carbs ay naglalagay sa katawan sa isang metabolic state na tinatawag na ketosis. Kapag ito ay nangyari, nagiging episyente ang katawan sa pagsunog ng taba para sa enerhiya. Ginagawa din nitong ketones ang taba sa atay na tumutulong sa pagsuplay ng enerhiya sa utak.
Kung hindi naman talaga dumadaan sa isang medikal na kondisyon ngunit gusto lamang maging malusog, maaring gamitin ang diyeta bilang gabay o modelo para sa pang-araw araw na pagpili ng pagkain.
5 keto-friendly na mga pagkain
1. Isda at pagkaing-dagat
Ang salmon, sardinas at mackerel ay mayroong mataas na halaga ng taba at puno ng potassium, selenium, B vitamins at zero carbohydrates. Ang pasayan at crabs ay walang carbohydrates. Ang clams, oyster at squid ay may konting halaga ng carbohydrates na pwedeng kainin dalawang beses kada linggo para sa malusog na konsumsyon ng bitamina at mineral.
2. Manok at pulang karne
Ang mga karne ay pangunahing pagkain sa ketogenic diet. Ang pulang karne at manok ay mataas din sa protina.

Source: getty images
3. Itlog at Keso
Perpektong keto-food ang itlog dahil ang isang malaking itlog ay may mas mababa sa 1 gramo ng carbs ngunit may 6 gramo ng protina. Nakaktulong din ito sa pagpapanatili ng malusog na lebel ng sugar sa katawan. Samantala, ang lahat ng klase ng keso ay mababa sa carbohydrates at mataas sa saturated fat.

Cheese Flickr/Jules Morgan CC BY 2.0 Eggs Flickr/eatstayfarm CC BY 2.0 Source: Cheese Flickr/Jules Morgan CC BY 2.0 Eggs Flickr/eatstayfarm CC BY 2.0
4. Abukado at berries
Masustansiya ang abukado dahil puno ito ng potassium at iba pang mahalagang bitamina at mineral. sinasabi din itong nakaka-pababa ng bad cholesterol kabilang na ang triglycerides at nagpapataas ng good cholesterol. Ang berries naman ay mababa sa carbohydrates ngunit mataas sa fiber at puno ng antioxidants.

Source: getty images
5. Dark na Tsokolate
Sino ba ang aayaw sa matatamis? Piliin ang dark chocolate. Naglalaman ito ng antioxidants at flavanols na lumalaban sa mga free radicals at nakakatulong na panatilihin ang mga arterya na maging malusog at nagpapababa ng presyon ng dugo. Kumain ng dark chocolate na may 70 porsyento o mas maraming cocoa solids.
Ang mga pagkain tulad ng low carb na gulay, di-matamis na kape at tsaa, mani na mataas sa taba, plain na Greek yogurt, olive at coconut oil ay nasa listahan din ng keto-friendly na mga pagkain.

Source: Flickr/John Loo CC BY 2.0
Kung kinokonsidera ang pagsubok ng ketogenic diet mas mabuting komunsulta muna sa doktor.
BASAHIN DIN:
READ MORE

How she lost 50 kilos on a keto diet