Mga pagbabago sa Australya simula ng unang araw ng Enero

Tuunan ng pansin ang mga pagbabago sa pamasahe, bayad sa kuryente at iba pa simula ng unang araw ng Enero.

changes

Change is coming this 2019. Source: Pixabay

Ang 2019 ay taon ng pagbabago sa Australya.

Tandaan ang mga ito:

1. Pagtaas ng pamasahe
Tram
Fares will increase next year. Source: Pixabay
Victoria

Simula ng unang araw ng Enero, tataas ang pamasahe sa Victoria ng 2.2%.

Dahil dito, tataas ng $4.40 ang pamasahe para sa dalawang oras na full-fare na tiket, habang ang all-day na tiket ay tataas ng $8.80. Ang pitong araw na full-dare Myki Pass naman ay tataas ng $44 simula unang araw ng Enero.

Queensland 

Sa Brisbane, tataas ang pamasahe ng 1.8% simula ika-pito ng Enero.

Tataas ng $4.70 ang adult single-zone na tiket, habang tataas ng $28.90 ang eight-zone adult na tiket.

New South Wales 

Tumaas na ang pamasahe sa New South Wales noong Hulyo ng 2.2%.

2. Pagbaba ng bayad sa kuryente
Power lines
Power prices are set to decrease starting January 1 Source: Pixabay
Para sa mga nakatira sa Victoria, bababa ang presyo ng kuryente ng 1.6% para sa mga customer ng AGL.

Bababa din ng 0.9% ang presyo ng gas para sa mga tahanan at 1.2% para sa mga maliliit na negosyo.

3. "No Jab No Play" policy
vaccine
The 'No Jab No Play' policy will be strictly enforced in centres. Source: Pixabay
Sa Western Australia, striktong itataguyod ang "No Jab, No Play" policy sa mga childcare centres at paaralan.

Kinakailangang updated ang mga immunisation records ng mga bata, at dapat i-report ang mga status ng mga bata kung magkaroon ng outbreak.

Kung hindi sumunod ang mga nanunungkulan sa mga institusyon na ito, maaaring ma-multahan sila ng $1000.

4. Ang Baby Bundle
newborn
Parents in New South Wales will be gifted with tax-funded baby bundles. Source: Pixabay
Makakatanggap ng "Baby Bundle" ang mga bagong magulang sa New South Wales na nagkakahalagang $300. Mula sa pondo, ang sinasabing regalo ay naglalaman ng impormasyon para sa mga bagong magulang, at mga produkto para sa bagong sanggol gaya ng sleeping bag, thermometer, first aid kit, barrier cream, baby toothbrush, muslin wrap, baby wipes, breast pads at iba pa.

5. $2 ATM withdrawal fee
ATM
NAB cardholders will have to pay $2 withdrawal fees when the ATMs of other institutions. Source: Pixabay
Kinakailangan ng magbayad ng $2 withdrawal fee ang mga cardholder ng NAB kapag gagamitin nila ang 3,000 na ATM na dati'y fee-less para sa kanila.

Ito ay dahil sa desisyon ng bangko na umalis sa RediATM network kung saan patuloy pa ring kasama ang CommBank, ANZ at Westpac.







Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends