Limang mahahalagang pagbabago sa migrasyon nitong 2019

Dala ng bagong taon ang mga pagbabago sa sistema ng migrasyon sa Australya.

Victoria 190 & 490 Visa invitation February round update

Victoria 190 & 490 Visa invitation February round update Source: AAP

1. Mas matagal na processing times para sa partner visas

Partner visa
Partner visas take longer to process. Source: Pixabay


Dahil naipasa ang Family Violence Bill passed sa Senado noong Nobyembre, kinakailangan na ngayong ma-aprubahan ang partner visa sponsorships bago pa maaaring mag-apply para sa visa. Ibig sabihin nito na dadaan pa sa isang proseso ang mga potensyal na aplikante upang matingnan ang kanilang karakter. Dahil dito, tatagal pa ang proseso ng pagkuha ng partner visa.

2. Bagong temporary sponsored parent visa

grandparents
Parents of permanent residents and citizens can stay temporarily in Australia for either 3 or 5 years. Source: Pexels


Itong 2019, maaari ng dalhin ng mga Australian citizens at permanent residents ang kanilang mga magulang mula ibang bansa patungong Australya.

15,000 lamang ang mga visas na papasa kada taon. Kapag na-aprubahan ang visa, tatagal ito ng tatlo o limang taon, at maghahalagang $5,000 at $10,000.

Maaaring i-renew ang mga visa, ngunit hanggang 10 taon lamang lahat-lahat.

3. Pagtaas ng show money para sa mga estudyante mula ibang bansa sa $20,000

graduates
Evidence of funds will increase in 2019. Source: Pixabay


Itong taon, dapat makabigay ng $20,290 o mahigit na evidence of funds ang mga estudyante. May dagdag na $7,100 para sa asawa at $3,040 para sa bawat anak.

4. Pagkumpara sa ATO tax records sa sweldo ng mga employer-sponsored migrants

Tax
The Department of Home Affairs and ATO will make sure employer-sponsored migrants are paid what they are due. Source: rawpixel.com from Pexels


Kasama ng ATO, titingnan ng Department of Home Affairs and mga tax file numbers ng mga may hawak ng 457/482 TSS visa upang ikumpara ito sa kasalukuyang tax records upang makasigurado ang dalawang departamento na ayon sa nominated salary ang binabayad sa mga empleyadyo.

5. Ang South Australia visa para sa start-up entrepreneurs

Business
South Australia will pilot a program in 2019 for start-up owners who want to migrate to Australia. Source: rawpixel.com from Pexels


Hindi kinakailangan ng $200,000 funding arrangement para ma-aprub para sa visa na ito, at 5 average band score sa IELTS lamang ang iyong kinakailangan.

Kinakailangang magbigay ng orihinal na ideya at business plan ang mga aplikante.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website.

BASAHIN DIN


 


Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends