Nagaalangan ka ba sa childcare? Ito ang mga kailangan mong malaman

Nakakakabang ipasok ang iyong anak sa childcare - hindi lang para sa kanya, kundi para sa iyo rin.

Mother kissing daughter (2yrs) on cheek

Source: Digital Vision

Ang ilang paraan upang mapakalma ang iyong mga kaba pagdating sa pag-iwan sa iyon anak sa childcare ay ang pag-alam kung ano ang madadatnan mo doon at kung ano ang mangyayari sa iyong anak, at ang pagkakaroon ng tiwala sa taong mag-aalaga sa kanya.

Si Rachel Porsovigan ay ina ng dalawang adult na anak. Siyam na taon na siyang nagtatrabaho bilang full-time childcare educator. Sa ngayon, siya ang nagsisilbing room leader sa toddler room ng isang childcare centre.
Rachel Porsovigan
A mother herself, Rachel Porsovigan understands the anxieties and concerns parents have about leaving their children under the care of someone else. Source: Rachel Porsovigan
Ayon kay Ms Porsovigan, ito ang mga kailangan mong pag-isipan at paghandaan kapag napagdesisyunan mong ilagay sa childcare ang iyong anak:

1. Iprepara ang iyong sarili at ang iyong anak

Saad ni Ms Porsovigan na kailangan mong kausapin ang iyong anak bago mo siya ipasok sa childcare. Ayon sa kanya, kapag kinausap mo ang iyong anak, mas malalaman niya kung ano ang maaasahan niya sa childcare.

Nakakatanggal kaba rin ang orientation dahil makikita ninyo ang centre, at maari ng makipag-ugnayan ng iyong anak sa mga ibang bata bago pa siya magsimula.

2. Separation anxiety

Normal ang separation anxiety at mararamdaman ito ng magulang at mga bata.
“Whether we like it or not, talagang iiyak at iiyak ang bata kapag iniwan mo. Even [an] adult, I think, meron ding separation anxiety – what more sa bata. What we encourage is [parents] call us as much as they can para i-check din yung bata.”
Minumungkahi niya na wag munang iiwan ang batang bago pa lang sa centre ng higit sa apat na oras. Maaring isipin ng bata na inabandona siya kung iiwan siya ng buong araw sa centre. Maaring dagdagan ang oras na ito kapag sanay na ang bata sa centre.

3. Routine

Sa centre kung saan nagtatrabaho si Ms Porsovigan, ang mga maagang dumarating ay nag-aalmusal sa iisang kwarto. Ibig sabihin nito na nagsasamabang mga bata ng iba't ibang edad sa umaga, bago sila naghihiwalay upang pumunta sa kanilang mga kwarto.

Binibigyan ng pagkain ang mga bata buong araw - gaya ng morning tea, tanghalian, at meryenda.

Ang tanghaling pagtulog para sa mga toddlers ay tumatagal ng mga 1 1/2 hanggang 2 na oras pagkatapos ng tanghalian. Ang mga kama at sapin ay nanggagaling sa centre.

Ayon kay Ms Porsovigan, isinasakatuparan ang mga programa ng centre sa buong araw.
“Yung mga activities ng mga bata [ginagawa] para ma-enhance yung learning nila, saka matuto sila ng socialisation, at saka yung self-esteem nila ma-boost din through interaction and group play."
Sa toddler room, kasama sa mga gawain nila ang pang-la mesang aktibidad gaya ng puzzles at building blocks; arts and crafts; at group time kung kailan nagbabasa sila ng libro, nag-uusap, naglalaro ng finger puppets at kumakanta.
Rachel Porsovigan
Included in the activities children do in childcare is playing with building blocks. Source: Rachel Porsovigan
4. Socialisation

Sa group play, natututo ang mga bata na magkaroon ng respeto para sa kanilang mga kasama. Natututo rin silang magpakita ng kabutihan sa iba.

Ayon sa kanya, “I have a child [in my room], kapag may umiiyak, she’s always there. Yung mga ganung nakikita mo sa bata – that should always be encouraged.”

5. Independence

Saad ni Ms Porsovigan na isa sa mga paraan ng pagtataguyod ng independence ay ang pagtuturo sa mga bata na mag-self-serve sa hapag-kainan. Hinihimok ang mga batang itabi ang mga plato nila at maglinis pagkatapos nilang kumain.

6. Kapag may away na naganap

Palaging magiging isyu ang away sa pagitan ng mga bata, mas lalo na't hindi pa nila lubusang maintindihan ang kanilang mga emosyon.

Ayon kay Ms Porsovigan, redirecting ang paraan nila upang ma-manage ang mga away.

“We make sure we redirect them to other activities. At the same time, we try to explain to them why the other child got upset or bakit ikaw naging upset. Communication is always important kahit bata pa sila. But they do learn, and they do understand.”

7. Isang relasyong may tiwala

Saad ni Ms Porsovigan na ang pangunahing paraan upang maging komportable sa pag-iwan sa iyong anak sa childcare ay ang pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan sa mga educator. Kailangang may tiwala ka sa mga taong katuwang mo sa pagpapalaki mo sa iyong anak.
“I always tell parents na we have to establish yung trust muna sa educators niya. Kasi ang unang tanong nila is nakikipaglaro ba siya sa ibang bata? Yun yung unang question. But actually for me, what’s important is madevelop muna niya ang trust sa educators niya. Kapag medyo ganun na, susunod na iyon eh.”
Ang mga educator ang nag-uugnay sa buhay ng mga bata sa bahay at centre, at dagdag ni Ms Porsovigan, kapag nakikita ng mga bata na panatag ang loob ng kanilang mga magulang na iwan sila doon, nagiging komportable na rin sila.

 

BASAHIN DIN
SUNDAN KAMI SA FACEBOOK SA .



Share
Published 19 July 2018 12:43pm
Updated 27 July 2018 10:57am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends