Guro sa Pilipinas noon si Nona Pimm; ngunit ng siya'y lumipat sa Australya siyam na taon ng nakalipas, nadiskubre niya na kinakailangan niyang mag-aral ng bridging course upang siya'y makapagturo. Dahil hindi pa siya permanent resident noon, at masyadong mahal para siya's mag-aral muli ng pagtuturo, dinesisyunan niyang pumunta sa malapit na TAFE at tumingin sa mga kursong maari niyang pag-aralan. Doon niya nadiskubre ang Early Childhood Education and Care, isang Certificate III na kurso na natapos niya ng ilang buwan.
Pagkatapos ng kanyang kurso, nakahanap siya ng trabaho sa isang childcare centre. Nagtrabaho siya bilang room leader dito ng apat na taon.
Ngunit, gaya ng karamihan sa mga nanay na nagtatrabaho, naramdaman ni Ms Pimm ang hirap at pagod sa pagbabalanse ng kanyang trabaho at pamilya. Ginusto niyang magkaroon ng oras para sa kanyang anak na si Celina, ngunit ginusto rin niyang magkaroon ng karera. Sa kabutihang-palad, nahanap ni Ms Pimm ang perpektong pagbalanse ng trabaho at pamilya ng dinesisyunan niyang magtayo ng isang family day care.
"I want to have the balance of work and family, kasi in family day care, you are more flexible. Kumabaga, parte na siya ng family mo. I involve my family. They are a part of my family day care."
Ayon kay Ms Pimm, si Celina, na ngayo'y pitong taong gulang na, ay tumutulong sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo. Handang tumulong sa kanyang ina sa pag-set up ng mga gawain at aktibidad, saad ni Ms Pimm na si Celina ngayon ay tinuturing na na "big sister" ng mga bata sa centre.
Ayon kay Ms Pimm, na tinugaruing Family Day Care Australia's Educator Regional awardee for Albury Wodonga & Murray nitong taon, na hindi rin ganoon kadali ang mag-umpisa ng isang family day care. May mga sertipikasyon kang kailangan maabot, at mga kurso at training seminar na kailangang gawin. Kinakailangang pumasa sa safety requirements ng Family Day Care Australia ang iyong tahanan. Saad din niya na nasa ilalim ng parehong batas at regulasyon ang family day at childcare centre.

Nona, her daughter Celina (in aqua jumper), and other children. Source: Nona Pimm
Ngunit, kahit maraming kailangang pagdaan pagdating sa papeles at pagpapatakbo ng isang family day care, saad ni Ms Pimm na kinakailangang tugunan kung ano ang pinakamahalaga - ang pagmamahal at pag-aaruga.
“Yung way ng pagpapalaki ko sa aking daughter – yung love, yung care, yung early childhood education…yun din ang binibigay ko sa mga children na nasa care ko,” sabi niya.
May payo si Ms Pimm para sa mga nanay na nagnanais makahanap ng work-home balance sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng isang family day care: "This is rewarding. Just have fun, and make memories with the children."
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagpapatakbo ng sarili mong family day care centre, bisitahin ang .

Nona won Family Day Care Australia's 2018 Educator Regional for Albury Wodonga & Murray. Source: Nona Pimm
BASAHIN DIN