Ito ang ilan sa mga paraan upang ika'y makapaghanda sa pagmamaneho sa Australya:
1. Magbasa at mag-aral
Naglalathala ng kani-kanilang driving handbooks and mga iba't ibang estado sa Australya. Ang mga librong ito ay maaaring basahin sa print o online form.
Maaaring ma-access ang mga libro sa mga website na ito:
TAS –

Each state has a number of handbooks to help you become a safer driver. Source: Transport Road and Maritime Services, Department of Transport, ACT Government Information Portal, Department of State Growth Transport

Driving handbooks are available on each state's website for free or for a fee Source: VicRoads, Northern Territory Government information and services, Department of Planning Transport and Infrastructure
2. Subukan ang iyong kaalaman
Bago mo pa man maisip kumuha ng eksamen sa pagmamaneho, maghanap ng mga pagsusulit online na maari mong pag-praktisan.
Gamit ang mga eksamen na ito, makakasiguro kang hindi mo nakaligtaan ang mga mahahalagang impormasyon sa mga handbook. Marami rin sa mga tanong sa praktis na eksamen ang kasama sa mga totoong pagsusulit.
3. Mag-practice
Ang pinakamahalagang paraan upang ika'y matutong magmaneho sa Australya ay sa akwtal na pagsasanay. Kasama sa pagsasanay ang pagkuha ng driving lessons.
Ayon kay Victorian driving instructor Noel Tolentino, “I would recommend to invest some time and money…to learn how to drive properly…because it is your life and the life of others on the road.”
Habang maari kang magtanong at humingi ng tulong mula sa iyong mga kaibigan at kapamilya, importanteng dumaan sa mga leksyon sa ilalim ng isang propesyonal na guro.
Saad ni Mr Tolentino, base sa karanasan niya, nakadepende ang bilang ng leksyon sa karanasan sa pagmamaneho ng isang estudyante. Kung bago pa lang sa pagmamaneho ang isang indibidwal, mainam na katumbas ng kalahati o kabuuan ng edad niya ang oras na ilalaan sa driving lessons. Halimbawa, ang isang 18 na taong gulang ay maaring mag-aral ng 9 o 18 na oras.
BASAHIN DIN
PAKINGGAN DIN