Driving in Australia: Ang mga karaniwang pagkakamali ng mga Pinoy drivers

Mahirap magbago kapag may kinasanayan ka na. Totoo ang kasabihang ito para sa mga Filipinong drayber na marunong ng magmaneho pagdating sa pagsunod sa mga batas, kultura at saloobin ng pagmamaneho sa Australya.

Driving in Australia

Are you ready to drive in Australia? Source: Supplied

Ito ang mga karaniwang pagkakamali ng mga Pinoy drivers kapag nagamamaneho sa Australya.

1. Ang pagmamaneho sa kabilang bahagi ng daan

Nagmamaneho ang mga Pinoy sa kanang-bahagi ng daan, habang sa kaliwang-bahagi naman nagmamaneho ang mga Australyano.

Nakakalito para sa mga may-karanasang drayber mula Pilipinas ang pagkakaibang ito.

2. Pagwawalang-bahala sa speed limit

Baka dahil sa malubhang trapik, o baka nama'y hindi kasi nila alam kung nasaan ang mga speed limit signs. Anuman sa dalawa, may mga may-karanasang drayber mula Pilipinas na hindi sumusunod sa speed limit.

Sa Australya naman, striktong ipinapatupad and speed limits. Ang speed limit ang pinakamataas na bilis ng takbo ng sasakyan sa isang partikular na daan. Hindi mo maaring lagpasan ang speed limit sa kahit na anong oras. Kailangang maingat ang mga drayber sa pagtantya nila sa bilis ng kanilang sasakyan mas lalo na sa mga school zones at area kung saan maraming bahay.

3. Kabiguang mag-adjust sa mga roundabout

Maraming mga interseksyon sa Australya na may sentral na roundabout. Hindi uso ang roundabout sa Pilipinas, kaya naman naninibago ang maraming Pinoy na drayber dito kapag nagmamaneho sila sa Australya.

Mahalaga ang pag-iingat kapag dumadaan dito, dahil ang pagkalito ay maaaring magdulot ng aksidente.

Ayon kay Victorian driving instructor Noel Tolentino, “It is important to look at your right [before driving on roundabouts] kasi usually doon nanggagaling ang mabilis [na kotse].”

4. Ang 'no-rule' rule

Merong mga batas-trapiko sa Pilipinas, ngunit may mga drayber na tinitingnan lang ang mga ito bilang suhestyon. Kailangang baguhin ang ganitong pananaw kung magmamaneho ka sa Australya, sapagkat strikto nilang ipinapatupad ang mga batas-trapiko dito.

BASAHIN DIN
PAKINGGAN DIN

Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends