Iba-iba ang halaga ng mga eksamen sa iba't ibang mga estado sa Australya.
Ito ang tatlong eksameng kinakailangan mong ipasa upang makakuha ka ng lisensya sa Australya:
1. Driver Knowledge Test (DKT)
Ang Driver Knowledge Test (DKT) ay ang unang pagsusulit na kinakailangan mong kunin upang makakuha ka ng lisensya sa Australya.
Ang pagsusulit na ito ay naka-base sa teorya. Ito ay isang multiple-choice na eksamen.
May mga online sources na maari mong bisitahin kung saan may mga practice test ng DKT.
Kapag pumasa ka sa eksamen na ito, bibigyan ka ng learner's permit.
2. Hazard Perception Test
Ang Hazard Perception Test (HPT) ay isang touch-screen na eksamen na sumusubok sa iyong abilidad na manukoy ng mga peligro sa daan at rumesponde sa mga ito.
Para sa mga may valid na lisensya mula Pilipinas, hindi na kinakailangang dumaan sa 'P1' plate kung pumasa sila ng HPT. Maari na silang mag-Practical Driving Assessment kapag handa na sila.
3. Practical Driving Assessment
Ito ang kinokonsiderang pinakakabang eksamen na kinakailangan mong kunin.
Saad ni Victorian driving instructor Noel Tolentino, “Pagdating sa driving test, you have to be spot-on kasi yung nanghuhuli nasa loob na ng kotse.”
Susubukan ng Practical Driving Assessment ang iyong general driving abilities, pati na rin ang iyong kakayahang mag-observe, ang iyong saloobin, ang abilidad mong mag-park at humarap sa mga pelgiro sa daan, at iba pa.
Tandaan na ang kotseng gagamitin mo sa exam ay kinakailangang road-worth at ready for driving.
Kapag napasa mo ang exam, mabibigyan ka ng lisensya sa Australya; ngunit, kapag bumagsak ka dito, hindi mo na maaring gamitin ang iyong lisensya sa Pilipinas. Dadaan kang muli sa learner's permit, at hindi ka na maaaring magmaneho mag-isa hanggang mapasa mo ang praktikal na eksamen.
BASAHIN DIN
PAKINGGAN DIN