1. Idaan ang pagtuturo sa pagguhit at pagkulay.
Ang isang kakaibang paraan upang maturuan mo ang iyong anak ng Filipino ay ang pagtuturo gamit ang pagguhit at pagkulay. Maliban sa pagtuturo ng mga pangalan ng mga kulay sa Filipino, maaari mo ring ituro sa anak mo ang mga salita na may kinalaman sa kanilang ginuguhit o kinukulayan.

Take the artistic approach. Source: Pixabay
2. Pagturo sa pandiwa gamit ang 'Simon Says'.
Epektibo at nakakatuwang gamitin ang 'Simon Says' sa pagtuturo sa bata ukol sa pandiwa gaya ng 'talon', 'tawa', 'sayaw', at iba pa. Maaari mo ring gamitin ang 'Sabi ni Simon' imbis na 'Simon Says' para mas maging Pinoy pa ang laro.

Simon says, "Talon!" Source: Getty Images
3. Magbasa ng mga kwento sa Filipino.
Maraming mga libro para sa bata sa wikang Filipino; ngunit, ang problema ay wala kang mabilhan ng mga ito sa Australya o walang ugnay ang mga kwento at tema sa buhay ng anak mong lumaki na sa Australya.

Read to your child in Filipino. Source: mentatdgt from Pexels
Kung hindi ka makahanap ng libro sa Filipino na gusto mong basahin sa iyong anak, maaari mong ikwento sa Filipino ang mga librong nakasulat sa Ingles, o banggitin ang katumbas sa Filipino ng mga mahahalagang salita sa aklat.
4. Kumanta sa Filipino.
Mas madaling tandaan ang mga salita kapag kinanta mo ang mga ito.

"Ang gulong ng bus ay umiikot..." Source: Pixabay
Habang mainam pa rin na magsalita at magbasa ka sa Filipino sa iyong anak, mas madali niyang matatandaan ang mga salita kapag kinakanta niya ang mga ito.
Maaari kayong kumanta ng Ingles na awitin na isinalin sa wikang Filipino, o di kaya'y kumanta ng mga orihinal na Filipinong awitin.
5. Lagyan ng etikita ang mga gamit sa bahay.
Mas magiging organisado ka na, matuto pa ng Filipino ang iyong anak kapag nilagyan mo ng etikita ang mga bagay na matatagpuan sa inyong bahay.

Label things around the house in Filipino. Source: rawpixel.com from Pexels
BASAHIN DIN
READ MORE

Turuan ang iyong anak ukol sa pera