Ang ilang mga pamilya ay mawawalan ng weekend penalty rates ngunit maaaring makakakuha naman sila ng karagdagang pera kapag naipatupad na ang mga pagbabago sa childcare ngayong araw na ito.
At ang sinumang bumibili ng produkto sa ibang bansa ay kinakailangan nang magbayad ng GST dito kung ito ay nagkakahalaga ng mas mababa sa $1000.
Ang mga pagbabago ay kanilang sa isang balangkas ng mga bagong panukalang batas at patakaran ng badyet na nagkabisa simula nitong Linggo.
Ang bagong hourly minimum wage ay tumaas ng 64 cents kada oras, subalit ang penalty rates kapag Linggo at public holiday para sa mga nagtatrabaho sa fast food , retail, hospitality at pharmacy na mga sektor ay bababa sa 10 hanggang 15 porsyento.
Ang childcare subsidies ay mayroon ding pagbabago simula ngayong Lunes sa means-tested at activity-tested payment, ibig sabihin dapat ang parehong mga magulang ay nagtatrabaho, nag-aaral, nagboboluntaryo, o naghahanap ng trabaho nang walong oras kada dalawang linggo upang makakuha ng subsidy.
Sa ilalim ng mga bagong patakaran, ang mga pamilya na kumita ng mas mababa sa $187,000 sa isang taon ay magkakaroon ng uncapped limit sa childcare subsidy, na dati ay nasa $7613.
"Child care costs shouldn't be a barrier to work like it has been for thousands of families with the dreaded annual rebate cap," sinabi ni Education Minister Simon Birmingham.
Ngunit sabi naman ni Labor leader Bill Shorten, ginagawa lamang ng gobyerno ang Australya na maging hindi kaaya-aya simula ngayong buwan.
"On the 1st of July there are new cuts to child care, which hurts families. New cuts to family payments, which hurts families," sinabi Mr Shorten.

Source: AAP
"New cuts to Sunday penalty rates, which hurts families. And this is on top of the Medicare freeze, which hurts families."
Ang mga pagbawas sa buwis o tax cuts ay nagkabisa din ngayong Linggo, na itataas ang 32.5 na porsyento na threshold ng buwis sa kita mula sa $87,000 sa isang taon hanggang $90,000.
Ang mga taong kumikita hanggang sa nabanggit na threshold ay maaaring makakuha ng tax offset na hanggang $530, subalit hindi ito maibibigay hanggat hindi pa na-process ang tax returns sa 2019.
Ang mas mababang corporate tax para sa mga negosyo na may turnover sa pagitan ng $10 milyon at $50 milyon ay magagamit lamang sa panibagong financial year.
Ipinangako ng Labor na panatilihin ang bagong 27.5 porsyento na rate para sa mga kumpanyang iyon, subalit nagnanais pa rin itong pawalan ng bisa ang karagdagang 25 porsyento na bawas sa 2026/27.
BASAHIN DIN: