Makakatipid ka hanggang $1,300 sa childcare

Ang reporma ng gobyerno para sa childcare ay magsisimula sa ikalawa ng Hulyo, ngunit kinakailangan pang lumipat ng mga libong mga pamilya sa bagong sistema.

The new childcare subsidy comes into effect in July 2018.

Source: AAP

Ang reporma ng gobyerno para sa childcare ay magsisimula sa ikalawa ng Hulyo, ngunit kinakailangan pang lumipat ng mga libong mga pamilya sa bagong sistema.

Ayon sa Pamahalaang Turnbull, ang tipikal na pamilya na kumukuha ng 28.5 na oras ng childcare bawat linggo ay maaring makatipid ng $1,300 kada taon sa ilalim ng bagong sistema na magsisimula ngayong Hulyo.

Habang lumipat na ang 812,000 na pamilya sa bagong sistema, maaring hindi makatanggap ng benepisyo ang mga 350,000 na hindi pa lumilipat.

ANO ANG BAGONG CHILDCARE SUBSIDY AT ANO ANG KAILANGANG GAWIN PARA LUMPAT SA BAGONG SISTEMA

Ayon kay Education Minister Simon Birmingham, “While many families are set to be hundreds if not thousands of dollars a year better off, transitioning to the new system isn't automatic and families need to make the switch to the new system through myGov.”

Ano ang bagong sistema?

Sa ilalim ng bagong childcare subsidy, kakaselahin na ng gobyerno ang umiiral na sistema ng pagbabayad gaya ng Child Care Benefit at Child Care Rebate; sa halip ay pagsasamahin na ang mga ito sa iisang “means-tested” na sistema.

Ang mga lumang patakaran na pagbabayad ay titigil kapag pinalitan na ito ng bagong sistema, ngunit ayon sa pamahalaan, papayagan nila ang ibang back-payment sa mga hindi aabot sa huling araw na paglilipat.

Ang mga pamilya na kasama sa mga pinakamababa ang kita ay makakatanggap ng 85 porsyento na subsidy, ang pinakamalaking tulong mula sa gobyerno. Ang mga pamilya na kasama sa mga pinakamataas na kita naman ay may 20 porsyentong subsidy.

Pag-aaralan ng pamahalaan kung ilang oras kada dalawang linggo nagtatrabaho, nag-aaral, nag-iintern, naghahanap ng trabaho, o nagboboluntaryo ang mag-asawa o mag-partner.

Paano mo masisiguro na hindi mo makakaligtaang lumipat sa bagong sistema?

Kapag mas marami ang oras na ilaan mo sa iyong trabaho, mas mataas ang bayad ng gobyerno sa childcare ng iyong anak – subalit, ang halaga ay kinakalkula base sa magulang na pinakamababa ang kita.

Kung ang isang magulang ay may bababa sa walong oras ng “activity”, hindi maaring makakuha ng subsidy ang pamilya.

Ngunit, ang pamilya na may pinagsamang kita na hindi hihigit sa $67,000 ay maaring makakuha ng sustento na 24 na oras na bayad na pag-aalaga.

 

PAKINGGAN DIN

Share
Published 11 June 2018 9:21am
Updated 12 June 2018 1:55pm
By James Elton-Pym
Presented by Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends