Ibinahagi ng Melbourne-based immigration agent na si Paul Dizon na maraming mga kliyente niya ang nagpapatulong pagdating sa bridging visa.
"I've had clients who just wanted to apply for a bridging visa. What they don't seem to understand is that in order to be issued a bridging visa, you have to have an immigration matter or another visa that's pending onshore. A bridging visa is only a means to regulate immigration status in Australia," aniya.
Ayon kay Mr Dizon, ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay na kailangan tandaan ukol sa bridging visas:
1. Hindi substantive visa ang bridging visa.Image
Temporary visa lamang ang bridging visa. Ibig sabihin nito na maaring manatili sa Australya ang may hawak nito habang pinoproseso ang susunod niyang visa o matapos lamang ang immigration matter na hinaharap niya.
In general, automatic na iniisyu ito.
2. May iba't ibang ng uri ng bridging visas.Image
Depende sa status at sitwasyon mo sa Australya, may limang uri ng bridging visas na maaaring ibigay sa iyo:
- Bridging Visa A (BVA) ay binibigay sa isang nag-apply para sa isa pang visa bago mag-expire ang visa na hawak niya.
- Bridging Visa B (BVB) ay nagbibigay ng pahintulot ang may hawak ng BVA na pansamantalang umalis ng Australya.
- Bridging Visa C (BVC) ay para sa mga may multiple visa applications onshore. Hindi ka maaaring magtrabaho at hindi ka maaaring umalis ng Australya.
Kung kinakailangan mo talaga ng bridging visa upang manatili sa Australya, pinaka-ideyal ang BVA at BVC.
- Bridging Visa E (BVE) ay binibigay sa mgay overstayers at mga taong lumabag sa batas. mga kinanselang visa o nasa immigration detention. Hindi ka maaaring magtrabaho o umalis ng Australya.
3. May travel restrictions ang BVA.Image
Hindi maaaring lumabas ng Australya ang mga may hawak ng BVA. Kailangan nilang mag-apply para sa BVB upang mapayagang umalis ng bansa.
"You can do it online. There's a fee of 140 AUD. They issue you a BVB for about three months - that’s the general amount of time they give you for a BVB depending on how long you want to leave. Your BVA will be reinstated once you return," aniya.
4. May travel ban na nakalakip ang BVE kapag nakaalis na ang may hawak nito ng Australya.Image
Ayon kay Mr Dizon, dapat iwasan ang BVE.
"The thing to understand about BVE is that you may be banned from coming back to Australia for 3-10 years," saad niya.
5. Intindihin ang mga restrictive na kondisyon ng iyong bridging visa.Image
Saad ni Mr Dizon na kailangang intindihin ng mga may hawak ng bridging visa ang uri na mayroon sila at ang mga restrictive na kondisyon na kalakip dito.
Kailangan tandaan na hindi lahat na may BVA ay maaaring magtrabaho. Kailangang ipakita ng mga hindi pinayagan magtrabaho na may pinansyal silang pangangailangan upang mapayagan sila.
"Make sure you adhere to the conditions of your bridging visa," aniya.
BASAHIN DIN