Gamit ang seryeng ito, intensyon ni Eme na gumawa ng bukas na espasyo kung saan maaring magtipon-tipon ang mga miyembro ng komunidad at magusap-usap tungkol sa mga isyu gaya ng dekolonisasyon, at kung ano ang kahulugan ng pagiging migrante sa lupaing ninakaw din.
Ang unang pagdiriwang ay ginanap noong unang araw ng Hunyo sa Newton Community & Cultural Centre, Sa okasyong iyon, tampok ang mga lutong-bahay na putahe na nakalagay sa mga nilikhang ceramic ni Eme, at pati na rin ang tradisyunal na boodle fight.
Sinasapuso ng ‘Usapan sa La Mesa’ ang importansya ng pamilya, pagtanggap at komunidad. Ang mga tema ng “kapwa” o pagkakila sa sarili sa pamamagitan ng pag-aruga sa iba ang nangingibabaw sa pagdiriwang.
Binanggit din ni Eme ang kahalagahan ng “chosen family”, mga kaibigan at miyembro ng komunidad na hindi niya kadugo ngunit naging bahagi na ng kanyang extended family.
Magkakaroon muli ng isa pang pagdiriwang ang ‘Usapan sa La Mesa’ sa Newton Community & Cultural Centre sa pangatlong araw ng Agosto.
*Filipinx – isang gender prefix na nangsasaad ng gender non-binary identity kung saan “they” o “them” ang ginagamit imbis na “he” o “she”
BASAHIN DIN