Ito ang pagsalarawan ng Event Director Chi de Jesus sa mga gawa ng mga tampok na Filipino fashion designer at mga alagad ng sining na kasama sa "Tuloy po Kayo" Fashion Expo nitong ikalawa ng Hunyo.
Pagsasamahin ang moda at kultura, tampok nito ang mga gawang Pilipino at mahusay na kasanayan sa moda, mga alahas at disenyong pambahay.
Bilang pasimula sa isang buwang pagdiriwang sa ika-120 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, ang 'Tuloy po Kayo' Fashion Expo ay magtatampok sa mga moda at tela na sumusuporta sa mga katutubong komunidad at mga programang pangkabuhayan sa Pilipinas. Dadalhin sa Sydney ang ilan sa mga pinaka-kahanga-hangang mga taga-disenyo mula sa Anthill Fabric Gallery, Lumago Designs, W & C T'Boli, Romoza Home at trashion artist Francis Sollano. Tampok din ang mga fashion designer mula Sydney na si Leonardo Salinas at Emma Braceros.

(Tuloy po Kayo Fashion Expo Facebook) Source: Tuloy po Kayo Fashion Expo Facebook
Isang pagtutulungan na pinangungunahan ng Plaza Filipino, Philippine Consulate sa Sydney, NARRA Coop, Adhika at Flagcom & Friends na layuning mapasigla ang komunidad Pilipino at itaguyod ang kulturang Pilipino .