Kung nag-apply o mag-aapply ka palang ng visa para sa Australya, alam mong kailangan mong kuhanin ang International English Language Testing System (IELTS) na eksamen. Alam mong mahal ito ($340!); na valid lang ito ng dalawang taon; at maaaring may partikular na bandwidth na kailangan para sa bawat trabaho at kurso.
Kaya kung gusto mong makatipid at ayaw mo ng mag-aksaya ng panahon, ito ang ilang mga tips na maaari mong sundin upang makakuha ka ng mas mataas sa score sa IELTS:
1. Writing: Mas mahalaga ang paggamit mo ng Ingles kaysa sa mga ideya mo.
Mas mahalagang alam mo ang tamang paggamit ng Ingles kaysa sa mga ideya na isusulat mo sa eksamen.

Writing: Language use is more important than ideas. Source: Pixabay
Isa sa pinaka-mainam na paraan upang mapabuti ang iyong pagsusulat ay ang pagbabasa.
Kung sakaling nahiligan mong magbasa, masasanay ka sa tamang grammar, makikita mo kung papaano bumuo ng pangungusap, at malalaman mo kung papaano ang tamang spelling ng mga salita.
2. Listening: Gumamit ng capital words.

Listening: Use capital words Source: Pixabay
Para sa listening at reading na bahagi ng eksamen, maaari kang gumamit ng capital words.
Ang kagandahan nito ay mas madaling basahin ang sulat-kamay mo, at hindi mo kailangan sumunod sa capitalisation rules kung alangan ka ukol sa kaalaman mo dito.
3. Reading: I-underline ang mga keywords.
Ang mahalaga sa bahagi ng eksamen na ito ay mahanap mo ang mahahalagang impormasyon sa sulatin upang masagutan mo ang mga tanong na ibinigay sa iyo.

Reading: Skim, scan and find keywords Source: mali maeder from Pexels
Ang isa sa pinakamadaling paraan upang mahanap mo ang mga keywords ay ang pag-underline sa mga ito. Madaling hanapin ang ibang keywords, gaya ng mga pangalan at petsa; ngunit, hindi ganoon kahalata ang iba, gaya ng mga salitang pareho ng ibig sabihin sa mga salitang nakalagay sa mga tanong.
4. Speaking: Hindi mahalaga ang accent mo.

Speaking: Accents don't matter. Source: mentatdgt from Pexels
Huwag mong ibahin ang accent mo. Ang mahalaga sa speaking na bahagi ng IELTS ay ang kakayahan mong makipag-usap ng natural. Kuwentuhan lang ang bahaging ito, at walang maling sagot. Ang mahalaga lamang ay kaya mong makipagsabayan sa kausap mo.
5. Mag-rebyu at magsanay: Kailangan skill at stratehiya sa IELTS.
Natutunan ang Ingles. Mas gumagaling ka kapag ginagamit mo ito.

Review and practice! Source: Tirachard Kumtanom from Pexels
Sa IELTS, hindi lang ang kakayahan mong mag-Ingles ang tinitingnan. Kailangan kaya mong gamitin ito ng may time pressure. Dahil dito, mahalagang mag-rebyu at mag-sanay.
ALSO READ