Puso at Negosyo: GK Enchanted Farm at Plush and Play

Kung ano ang iyong itananim, ito rin ang iyong aanihin; at para sa grupo na nagtaguyod ng Gawad Kalinga Enchanted Farm, ang ibig sabihin nito ay ang pag-asarol sa lupa at paglaro sa pagkain upang wakasan ang kahirapan.

Plush and Play

Plush and Play produce plushies Source: Plush and Play Facebook

"Meron tayong feeling na parang we have all the means and resources and even the time [to help the less fortunate], pero you don’t know where to start."

Sa paghahanap ng kanyang sarili, nahanap ng Gawad Kalinga Head for External Relations na si Mia Navarro kung saan mag-umpisa - sa Barangay Engkanto sa Angat, Bulacan. Pagkatapos manirahan sa siyudad, ninais niyang maging bahagi ng mas malaking pagbabago. Ninais niyang gumising at mabuhay ng ito ang kanyang minumulatan, na alam niya ang pangalan, pag-uugali at mukha ng bawat taong kanyang natutulungan.
Enchanted Farm
Children of Barangay Engkanto Source: Enchanted Farm Facebook
Ang Barangay Engkanto ay isa sa mga komunidad na itinatag ng Gawad Kalinga sa paniniwalang ang pagkakaroon ng bahay ang unang hakbang upang matuligsa ang kahirapan. Maliban sa pagiging lokasyon ng 43-na-hektaryang Enchanted Farm, may mga bahay sa komunidad na ito para sa 50 na pamilya at nandito rin ang School for Experiential and Entrepreneurial Development (SEED), ang pinaka-una-unahang farm-village na unibersidad sa buong mundo na nagbibigay ng libreng pang-matrikula, tirahan at pagkain para sa mga mahihirap na iskolar.
Enchanted Farm
The 43-hectare farm Source: Enchanted Farm Facebook
Saad ni Ms Navarro na ang Enchanted Farm ay isang social enterprise hub kung saan maari kang matuto kung papaanong i-restructure ang iyong negosyo upang tuunan din ang social impact nito sa iyong komunidad.

"GK Australia is very much involved with the farm," aniya, "They would send some partners from GK here, to stay in the farm and learn about social enterprise kasi we also have social enterprise camps."

Ayon kay Ms Navarro, may mga sumasali na tumitira lamang sa Enchanted Farm habang tumatakbo ang mga camps; habang may mga nagdedesisyong maging intern at nagiging pangalawang tirahan na nila ang Barangay Engkanto.
Volunteers
Volunteers at Enchanted Farm Source: Enchanted Farm Facebook
Isa sa mga nagtagal sa Enchanted Farm ay ang taga-Prances na si Fabien Courtielle. Nanilbihang volunteer sa umpisa si Mr Courtielle, ngunit, mabilis nahulog ang loob niya para sa komunidad at para sa misyon ng organisayon.

Sa kagustuhang makatulong na umasenso ang komunidad, inangat ni Mr Courtielle ang kakayahan ng mga residenteng manahi sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang social enterprise.

"Here in Bulacan, noong mga 1900s, sobrang lakas ng textile industry ng China. Nagtayo sila ng maraming factories [and] tinuruan ang mga taga-Bulacan ng manahi ng maramihan...So nagkaroon ng recession, so natanggalan ng employment yung mga taga-Bulacan. Sayang naman yung skills."

Sa tulong ng mga katuwang ng Gawad Kalinga, nakabili si Mr Courtielle ng mga makina at tela para sa mga residente ng Barangay Engkanto.
Plush and Play sewers
Bulakenyos are known to be highly skilled in sewing. Source: Plush and Play Facebook
Gamit ang mga pira-pirasong tela at talento ng mga residente, nabuo ang Plush and Play.

Ang Plush and Play ay isang social enterprise na nagbebenta ng mga educational na mga laruan. Isa sa mga kilalang koleksyon ng negosyong ito ay ang kanilang mga plush produce.

"When I was young, I didn’t really like eating vegetables. Parang alien itsura [nila]," saad ni Ms Navarro, "The GK community dito, sobrang daming bata. This would encourage them to eat vegetables and to have a healthier lifestyle."

Upang mas matuwa ang mga mamimili, pinangalan pa ng grupong nagtaguyod sa Plush and Play ang mga produkto sa mga Filipino celebrities. Buko Martin, Sili Crawford, Mais Ganda, Noli de Carrot, Jessica Saging, Anne Kamatis, Manny Pakwan, Ryan Bawang, at Mang Agustin and ilan sa mga pangalan ng mga laruan. 

"Yung okra, pangalan okra aunor," aniya, "At may nunal pa."
Mia Navarro
GK's Mia Navarro shows off some Plush and Play products. Source: Ria Javier
Maaring bilin ng paisa-isa ang mga laruan o bilang bahagi ng Grow Kit, na may kasamang plush na lupa, pala, rake at watering can.

"The kids at an early age, we can spark their interest in farming and also the appreciation of the vegetables," saad ni Ms Navarro.
14089059_1320850781260418_6413183286214280439_n.jpg
A little girl pretends to water Fili Pinya.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa farm at mga laruan, bisitahin ang  at  sa Facebook.

Kung ninanais sumali sa iyong lokal na Gawad Kalinga, kontakin ang .

 

BASAHIN DIN

Follow SBS Filipino on Facebook



Share
Published 26 October 2018 7:57am
Updated 2 November 2018 3:24pm
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends