Ang pag-transisyon sa sustainable na buhay

"Fifty years ago, our grandparents didn’t have plastic bags. So there is a way to survive without [them]. It’s not the end of the world."

Boomerang Bags

Marjorie Garcia (center) of Boomerang Bags believes that a life more sustainable is sustainable. Source: Marjorie Garcia

Hindi kabilang ang ina at nars na si Marjorie Garcia sa mga kataong nagrereklamo ukol sa pagbabawal ng single-use na plastik. Sa katunayan, ipinagdiriwang niya ito. Habang naiinis ang iba sa hirap ng pagkawala ng mga libreng plastik sa mga grocery, humanap ng mas mainam at mas sustainable na kapalit si Ms Garcia.

Isa siya sa mga lider ng komunidad ng Boomerang Bag sa Victoria.

Ang mga Boomerang Bags ay mga reusable na bags na gawa sa lumang kumot, punda at tela. Ang mga bags na ito ay unang ginawa ng isang maliit na komunidad sa Queensland. Dahil sa malubhang polusyon ng plastik sa baybayin, nagdesisyon ang grupo na magpamigay ng mga reusable bags sa mga tindahan upang maiwasan ng mga mamimili ang paggamit ng mga single-use na plastik. Ibinabalik ng mga mamimili ang mga bags pagkatapos nila itong gamitin; kaya ipinangalang 'boomerang' ang mga bags na ito.
Boomerang Bags
Boomerang Bags are reusable bags made from scraps of linen and fabric. Source: Marjorie Garcia
Mahahanap na ang mga bags na ito sa mga iba't ibang komunidad sa mundo, gaya ng Epping kung saan naninirahan si Ms Garcia.

Kahit gold coin donation lamang ang kapalit ng mga bags na ipinamimigay ng komunidad ng Epping, madalas ay nagbibigay ng tela o pera para sa mga makina ang mga nakakatanggap ng mga bags.

“People are suspicious when you just give them free bags,” saad ni Ms Garcia. “You have to explain the concept. It’s about building a community as well. It’s [about starting] conversations. It’s raising awareness in that way.”

At sa pamilya niya siya unang nag-umpisa ng pag-uusap ukol sa sustainability.

Kagaya ng marami sa Australya, gawain na ng pamilyang Garcia ang pag-recycle bago pa man nila pinagdesisyunang magkaroon ng mas sustainable na pamumuhay. Dahil sa gawain nilang mag-recycle, mas nadalian silang mag-adjust sa mga pagbabago; ngunit, saad din niya na kinakailangan din ng panahon at pasensya ang mga bagong habits, gaya ng paggamit ng reusable na mga bags.

Hindi madali ang transisyon; ngunit ayon sa kanya, kinakailangan niya itong gawin kung gusto niyang mas maayos ang kalagayan ng mundo para sa kanyang mga anak na sina Maddie at Zara.

Aniya, kung hindi dahil sa asawa niyang si JR, maaaring sumobra siya sa kanyang eco-driven na pamumuhay. Dahil kay JR, mas naging praktikal din siya sa kanyang mga desisyon. 

Para kay Ms Garcia, ito ang ilan sa mga praktikal na paraan upang magkaroon ng sustainable na pamumuhay:

1. Gumamit ng papel o biodegradable na plastik para sa mga nabubulok na basura.
Paper lining
Line your bin with paper and use paper to wrap organic waste. Source: Marjorie Garcia
Saad ni Ms Garcia na kinakailangan mong pag-isipan ng mabuti kung papaano ka magtatapon ng basura.

"You find a lot of the stuff that's yucky is mostly organic waste," aniya.

Imbis na gumamit ng single-use na plastik, gumamit ng papel o biodegradable na plastik upang i-line ang basurahan. Linisin ng isang beses isang linggo ang basurahan.

2. Maglakad o mag-commute.
walk instead of drive
Walk or take public transport instead of driving. Source: Marjorie Garcia
Nakakabawas ng carbon emissions ang paglalakad o pag-ko-commute.

Ayon kay Ms Garcia, maswerte silang mag-anak na malapit ang mga tindahan at eskwelahan sa kanilang bahay. Dahil dito, sinusubukan nilang umiwas sa pagmamaneho. Ngunit, aminado din siya, "If we're running late, of course I am human...[like] this morning, we had to put the kids in the car because we were running so late."

3. Piliin ang reusable imbis sa single-use.

JR coffee
When ordering coffee, JR has a reusable cup on hand to avoid using single-use cups. Source: Marjorie Garcia


Maraming basura ang nanggagaling sa single-use na materyal. Imbis na gumamit ng single-use na materyal gaya ng straw, papel na tasa, at bag, pilliin ang reusable na bersyon nila.

4. Iwasan ang pagbili ng over-packaged goods.

Loose produce
While living totally plastic-free can be difficult, try to opt for less packaging when buying produce. Source: Marjorie Garcia


Dahil sa Plastic-free July, ninais ni Ms Garcia mamuhay ng mas plastic-free. Aniya, ang okasyong ito ang nakapamulat sa kanya kung gaano nakadepende ang tao sa plastik. At habang hindi pa talaga sila plastic-free sa bahay, mas mulat na siya sa kanyang paggamit ng plastik.

Kapag namamalengke siya ngayon, bumibili na lamang siya ng prutas at gulay na hindi prepackaged. Saad niya na kung wala kang access sa isang bulk store na nagbebenta ng loose produce, mas mainam na bumili ka na lamang ng naka-package sa glass, papel o steel aluminum. Ayon kay Ms Garcia, kahit maaaring i-recycle ang plastik, mas mababa ang kalidad ang reprocessed na materyal kumpara sa virgin na plastik.

5. Ibahagi ang iyong pamumuhay sa iyong pamilya at komunidad. 

"Every little bit makes a difference. If eight billion people said no to plastic straws, that’s eight billion straws that don’t end up in landfills," saad ni Ms Garcia.

Nagsisimula ang pagbabago sa tahanan. Sumusunod dito ang komunidad.

Saad ni Ms Garcia, napapagpatuloy niya ang kanyang sustainable lifestyle dahil sa kanyang pamilya. Hindi lang basta nagkaroon ng mga bagong habits ang pamilyang Garcia, "little ambassadors" na ng Boomerang Bags sina Maddie at Zara. Mahilig din silang tumulong sa kanilang ina na mag-alaga ng vegetable garden at worm farm.

Garcias
"Little ambassadors" Maddie and Zara with their grandparents Source: Marjorie Garcia
Mahirap magbago at magkaroon ng mas sustainable na buhay. Maaring nakakainis ang mga pagbabago. Para sa iba, maari pang maging masakit ito. Ngunit, sa totoo lang, hindi ito ang katapusan ng mundo. Maari pa itong maging umpisa ng mas mabuting pamumuhay.

BASAHIN DIN

Follow SBS Filipino on Facebook


Share
Published 5 September 2018 8:20am
Updated 10 July 2019 9:00am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends