1. Lodi
Hindi ito pangalan ng kontrabida (Loki yun) o pangalan ng isang artista sa Pilipinas (Lloydie yun), ang Lodi ay ang baliktad na spelling ng 'idol'. Magandang ehemplo ito ng ugali ng mga Pinoy na baliktarin ang mga salita (natatandaan mo ba ang rapsa at petmalu?).
2. Waley
Isang termino na ang ibig sabihin ay 'wala', ito ay ang kabaliktaran ng 'havey' o 'pagkakaroon'.
3. Syonga
Ang 'syonga' ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong tanga. At ang kagandahan ng salitang ito? Mas nakakaaliw pa itong bigkasin kapag ginagamit ito upang ilarawan ang katangahan na ginawa ng isang tao o 'syo-syonga-syonga'.
4. Mumshie
Maraming titulo ang mga nanay - gaya ng ina, mom, mum, mommy, alalay, detektib, at marami pang iba. Isa pa dito ang mumshie.
5. Beshie
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, laging sinasabi ang terminong ito sa pa-cute na tono. Ang ibig sabihin ng beshie ay 'best friend'.
PAKINGGAN DIN
READ MORE

Speak my language
BASAHIN DIN