Kaya mo bang bigkasin ang mga salitang ito?

Sa lengwahe natin, kung papaano binibigkas ang mga salita, ganoon din sila isinusulat. Ngunit, minsan sa pagbibigkas tayo nahihirapan. Ang susunod ay limang Pilipinong salita na mahirap bigkasin.

Difficult Filipino words

Try saying these tongue twisters aloud. Source: Getty Images/Hill Street Studios

1. Mamasa-masa

Ang ibig sabihin ng mamasa-masa ay ‘a bit moist’.

2. Pamamatnubay

Ibig sabihin ay ‘guidance’, ang pinaikiling bersyon nito ay madalas marinig at makita sa mga Pilipinong programa at pelikula; gaya ng ‘patnubay ng mga magulang’ o ‘parental guidance’ sa Ingles.

3. Kinahihinatnan

Ang ‘kinahihinatnan’ ay isang Pilipinong salita na ang ibig sabihin ay ‘result’ o ‘consequence’.

4. Pinakipakinabangan

Ang ibig sabihin ng ‘pakinabang’ ay ‘usefulness’. Ang mahahabang bersyon nito ay nagsasaad ng digri ng ‘usefulness’ o ‘being used’, gaya ng ‘kapanipakinabang’, ‘pinakikpakinabangan’, ‘pakinabangan’, at iba pa.

5. Pinakanakapagpapabagabag-damdamin

Huminga at lumunok bago mo sabihin ang salitang ito.

Ang ibig sabihin ng ‘pinakanakapagpapabagabag-damdamin’ ay ‘the most heart wrenching.'

PAKINGGAN DIN
BASAHIN DIN



 

Share
Published 31 August 2018 7:51am
Updated 1 September 2018 6:08pm
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends