Maaaring makatanggap ng lump-sum na $1,000 kada tao (tig-isang libo naman ang makukuha kung mag-asawa) at $400 sa bawat isang dependent children. Tumungo lamang sa para mag-claim.
Inilunsad ng gobyerno ang para matulungan ang mga indibidwal at pamilyang apektado ng mga kalamidad, na maaaring gamitin ng mga nasalanta ng bagyo o pagbaha para makabili ng pagkain, damit o para makakuha ng pansamantalang tirahan.
Sa kabila ng pagsisikap ng mga residente na makapaglinis matapos ang mga pagbaha at malakas na pag-ulan sa Queensland at New South Wales, maaaring abutin pa ng ilang buwan o taon bago tuluyang makabangon ang mga residente.
Maaari kang mag-claim ng Disaster Recovery Payment, kung ikaw ay lubhang naapektuhan ng pagbaha, kung may kapamilya kang namatay o nawawala dahil sa pagbaha; at nagtamo ng malaking sira ang inyong bahay.
Paano masabing lubha napinsala ng iyong bahay?
- Kung ito ay nasira at kailangang i-demolish
- Kung naideklarang hindi na maayos ang istruktura ng iyong bahay
- Kung nagkaroon ng malaking pinsala ang inyong bahay
- Kung pinasok ng tubig-baha at lubhang nasira ang inyong mga gamit sa bahay
- Kung napasok ang sewage sa loob ng bahay
- Kung malaki ang sira o damage sa inyong mga ari-arian
Maaring mag-claim hanggang Agosto 28 ang mga residente ng Queensland, at hanggang Setyembre 1 naman para sa mga residente ng NSW.
Para maging kwalipikado sa pag-claim, dapat ay nakatira ka sa isa sa o kabilang sa .
Narito ang sunod-sunod na hakbang kung paano makakuha ng claim
1. Mag-sign in sa myGov at piliin ang Centrelink sa iyong mga naka-link na serbisyo. Kailangan mong tiyakin na ang Centrelink ay naka-link sa iyong myGov account sa pamamagitan ng paggamit ng Centrelink Customer Reference Number (CRN) o kung wala kang CRN, maaari mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga opisyal na dokumento.
2.I-click ang “Make a Claim or View Claim Status”
3. I-scroll ang “Help in an Emergency” at i-click ang Get Started”
4. I-click ang “Apply for Disaster Recovery Payment”
5. I-click ang "Begin"
6. Sagutin ang ilang mga katanungan, ihanda ang inyong litrato, dokumento o ebidensya na magpapatunay na napinsala ng tubig baha ang inyong mga kagamitan o ari-arian.
7. I-click ang "Submit" para maproseso ang claim.
8. Maaari mong i-click ang button na “Make a Claim or View Claim Status” mula sa landing page ng Centrelink ng myGov website upang makita kung naproseso na iyong aplikasyon.