Highlights
- Naglabas na ng evacuation orders ang State Emergency Services sa mga lugar na posibleng bahain.
- Ayon sa Bureau of Meteorology, inaasahang makakaranas pa rin ng mapanganib na flash floods sa buong estado ng NSW.
- Sa Queensland, pinaghahanda naman ang mga residente sa bagyo at pagpatak ng naglalakihang hail mula ngayong araw ng Huwebes.
Ayon kay Fr Bing Monteagudo, administrator ng diocese of Lismore, nalubog ang malaking bahagi ng kanilang bayan kabilang na ang St Carthage cathedral.
Umabot ng hanggang bubong ang tubig sa mga kabahayan kaya't kaagad na pinalikas ang mga residente.
Sa ngayon, dahil humuhupa na ang tubig, ilang pamilya na ang pinayagan bumalik sa Lismore para makapaglinis ng kanilang mga lugar.
Batid ni Fr Bing ang bigat ng problema na hinaharap ng mga residenteng nawalan ng tahanan at kabuhayan. Sa ngayon, sa pananalig at pakikipagtulungan ng bawat isa sila umaasa para mabilis na makabangon.
Pakinggan ang audio
LISTEN TO

Mga residente ng Lismore, nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa malakas na ulan at baha
SBS Filipino
07:23