Ang mga bagong batas ay naipasa na sa Senado, kung saan mas magiging mahirap para sa mga taong nasangkot sa kaso ng karahasan sa tahanan na mag-sponsor ng partner visa.
Mahigit dalawang taon matapos maipakilala sa parlayamento, naipasa na noong Miyerkules ang batas upang mabigyang-diin ang karakter ng mag-sponsor.
Ang mga pagbabago ay magbibigay ng kasiguruhan sa mga aplikante ng visa na malaman kung ang kanilang sponsor ay nasangkot sa kaso ng karahasan.
Sa ngayon, kinakailangan na maipasa ang full character check ng mga aplikante ng visa subalit ang mga mag-sponsor ay kinakailangan lamang magbigay ng police check kung may kasamang menor de edad sa aplikasyon.
Sa bagong naipasang batas, maaaring hindi mabigyan ng visa ang mga taong may rekord ng marahas na krimen.
Nang ipakilala ni Home Affairs Minister Peter Dutton ang panukalang batas noong 2016, sinabi niya na ipinapakita ng gobyerno na kinokondena nito ang karahasan sa tahanan.
Isinulong ng gobyerno na maipasa ang mga pagbabago upang matiyak na ang parent visa ay hindi magdudulot ng karagdagang problema sa healthcare system ng Australya.