HIGHLIGHTS
- Ang abalang istilo ng buhay ay nagbibigay ng stress, kailangan siguraduhing hindi ka ma-burn out
- Dapat bigyang prayoridad ng mga kababaihan ang kanilang kalusugan upang magkaroon sila ng mas masaya at produktibong buhay
- Kung may oras sa sarili, mas puno ng pagmamahal at pasasalamat ang puso
Ayon sa Mental Health Foundation Australia ambassador na si Lora Love, dapat ay bigyang prayoridad ng mga kababaihan ang kanilang kalusugan dahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng mas masaya at produktibong buhay.
"We care so much and we give too much, we have a lot of responsibilities because women are nurturer by nature, so don't forget to give time for yourself because when you’re happy within, you glow, and you can give more love,” sabi niya.
Laging tandaan na mahalaga ang oras para sa sarili. Ang simpleng paglalakad sa parke, pakikipag-usap sa iyong kaibigan o pag-inom ng iyong paboritong inumin ay makakatulong sa iyong isip at katawan.