Highlights
- Sa taong 2004, halos 200 katao ang namatay dahil sa rock fishing, ibig sabihin 13 bawat taon ang namamatay dahil sa kakulangan ng kaalaman lalo na peligrong dala nito.
- Sa pag-aaral na ginawa ng Surf Life Saving , lumalabas na isa sa apat na anglers ay beginners sa paglangoy o kaya talagang hindi marunong lumangoy.
- Nagiging delikado ang rock fishing lalo nilang mga baguhan, dahil nakakaligtaan nilang suriin ang kondisyon ng panahon at ang galaw ng tubig sa dagat.
Bukod tangi ang ganda ng karagatan dito sa Australia, parang nang-aakit ng mga mangingisda o yung tinatawag na mga anglers.
Kaya popular dito ang rock fishing. Kung saan, umaakyat ang mga mangingisda sa malalaking bato at kung minsa'y nasa paanan pa ng nag-uumpugang bato, makakuha lang ng saktong pwesto para sa inaasam na malalaki at di pangkaraniwang isda o anumang hayop sa dagat.
Pero ang nakakabahala, marami ang nadidisgrasya at namamatay.
Sa taong 2004, halos dalawang daang katao ang namatay dahil sa rock fishing, ibig sabihin 13 bawat taon ang namamatay dahil sa kakulangan ng kaalaman lalo na peligrong dala nito. Kadalasang biktima ay silang mga galing ibang bansa, at karamihan ay mula sa mga bansang Asya.
Ayon kay Shane Daw ng Surf Life Saving dito Australia, ang karamihan sa mga biktima ay sanay lamang sa pangingisda sa kalmadong dagatgaya ng sa ibang bansa. At kulang sila sa kaalaman kung gaano ka delikadoang naglalakihang alon at kung paano ito nabubuo lalo pa’t iba ang coastal weather condition dito sa Australia.
Dagdag abiso ni Daw dapat alamin ng mga mangingisda ang kondisyon ng alon at panahon sa lugar trenta minutos bago mamingwit.
“A lot of people don’t know how to read the surf. They may not realise that a big set of waves can come through every ten, fifteen, twenty, thirty minutes, so they will watch it for five minutes, go, well, there is no wave, but then a wave comes through ten minutes later and wash them off the rock.
Si Spyros Vassiliades na galing sa bansang Cyprus, gustong gusto nya ang adrenaline rush na nararanasan habang nagro-rock fishing.
Pero kahit dalawampung taong ng ginagawa di pa rin sya kompyansa sa dalang peligro nito. Lalo pa kung paano tantsahin ang panahon sa lugar, gaya ng bilis at lakas ng paghampas ng mga alon sa bato pati ang lakas ng hangin sa dagat.
“I always tell my wife that I love her before I go, and I do my best to make sure that when I go, I leave on happy terms because I understand that something might go wrong - if I misread the weather, if I make a mistake while I am out there and I think that that’s because of the years of experience and that’s what it’s taught me that when you go rock fishing, you have to think like this because it is that dangerous.”
Sa pag-aaral na ginawa ng Surf Life Saving, lumalabas na isa sa apat na anglers ay beginners sa paglangoy o kaya talagang hindi marunong lumangoy.
Ang malalaking alon at madulas na bato dahil sa lumot ang sanhi ng walumput limang porsientong pagkamatay sa rock fishing.
At 4 per cent lang sa mga biktima ang nakasuot ng life jacket sa panahon ng aksidente.
Ayon kay Daw, ang pagsusuot ng life jacket habang nangingisda ay nakakapagsalba ng buhay.
“It’s not mandatory in many locations, therefore, people choose not to do it, but there is a chance that you could drown due to rock fishing. And we know that many other people get washed into the water, and it’s been due to a life jacket that they’ve been able to get out or be rescued and be home safe.”
Sang-ayon naman si Vassiliades na importante ang life jacket pero mas mainam pag-aralang maigi ang kondisyon ng mga alon, at panahon dahil madalas habang naka-pwesto ka na sa pangingisda, biglang nag-iiba ang kondisyon ng tubig sa dagat lalo na kung mahangin. May dala ding peligro ang pagkahulog sa mga inaakyat o pinapatungang mga bato.
"These rocks are covered in barnacles. You can get some pretty bad cuts. Some people even, unfortunately, die before they even get into the water because they hit their heads. This unfortunately happened to a friend of mine.”
Ayon kay Malcolm Poole ang safety officer ng New South Wales’ Recreational Fishing Alliance. Nagiging delikado ang rock fishing lalo nilang mga baguhan, dahil nakakaligtaan nilang suriin ang kondisyon ng panahon at ang galaw ng tubig sa dagat.
“Knowing what the water is doing and knowing what the weather is doing has to be your first two thoughts in your head before you go fishing. And when you get there to go fishing, you need to make sure you keep an eye on the weather and the water all the time.”
Aniya, kailangan huwag mag rock fishing mag -isa, dapat may kasama at may baong escape plan kung sakaling magka-aberya habang nangingisda.
Dagdag safety tip naman nya, magsuot ng magaang klaseng damit panlangoy, non-slip na sapatos nay may spike para sa good grip sa madulas na bato. Magdala din ng lubid, o anumang safety gear na pwede gamitin upang makaligtas sa peligro.
“Using short rods off rock platforms is just unsuitable. You need to ensure that you have a long lengthy rod around about 10 feet or a little longer. It moves you back from the edge of the rock platform in the danger zone back further, allowing you a bit more knowledge, a bit more ease to land a fish, as well as to stay back nice and safe away from the edge of the rock ledge.”
Dagdag din ni Poole, magplano ng maigi para maging ligtas ang fishing trip.
At dapat unang isaalang-alang ang kaligtasan kaysa kasiyahan at thrill na dulot ng rock fishing.
“You need to ask the question when you get to your location: why are the rocks wet? Is the tidal change? Has it been raining? How is the ocean? What’s the ocean doing? Is it rising? Is it falling? What are the waves sets doing?”
Para masigurong tama ang impormasyon ukol sa galaw ng tubig sa dagat , hangin at panahon bago at habang nangingisda.
Kailangang suriin ang legitimong app sources gaya ng Bureau of Meteorology or Seabreeze para sa kaligtasan.
“Checking the weather report’s out and then for coastal weather forecast before for that area you’re fishing in. It is not the land weather forecast about being sunny and no rain; it’s about the weather conditions along our coastline. What the sea is doing; what the tides are doing; what the winds are doing - they are all paramount to a safe day’s out fishing.”
Para sa karagdagang safety tips sa rock fishing, icheck ang websites ng:
Recreational Fishing Alliance of NSW
Surf Life Saving
Bureau of Meteorology
Mag download din ng Australia's Emergency Plus Application at I-dial ang triple 0 sa mobile phone, at i-share ang aktwal na lokasyon o GPS Coordinates para mas madali kung kailangan ng rescue.
LISTEN TO

Pamimingwit sa gilid-gilid, sikreto sa pagtitipid
SBS Filipino
09:09