SBS Examines: Maaari bang labanan ang misinformation nang hindi naaapektuhan ang freedom of speech?

ድሕሪ ረፈረንደም ንነጻነት ካታሎንያ ዝነበረ ተርእዮ

Can we fight misinformation without threatening our freedom of speech? Source: Getty / Dan Kitwood

May mga panawagan na dapat higpitan ang pagbabahagi ng maling impormasyon online ngunit maituturing ba itong pag-atake sa kalayaan sa pagsasalita?


Ang mis- at disinformation — mga maling impormasyong ibinabahagi nang sadya o aksidente — ay itinuturing na pangunahing panganib sa buong mundo ng World Economic Forum.

Hindi nakakatulong ang social media sa paglutas ng isyung ito.

Sinabi ni Josh Szeps, ang lumikha at host ng podcast na Uncomfortable Conversations, “: “We are a civilisation that has suddenly been given a nuclear weapon of information in the form of social media and that’s about to have artificial intelligence dolloped onto it — like pouring gasoline on fire.”

Bilang tagapagtanggol ng kalayaan sa pagsasalita, nababahala siya na ang pagbabahagi ng mga ideya online ay maaaring ma-misinterpret bilang pagbabahagi ng maling impormasyon.

“The reality is, if you’re going to live in a big, diverse, pluralistic, multi-ethnic society ... you’re going to have to wrestle with a bunch of ideas that some cohort of that society is going to find offensive or insulting," aniya sa SBS Examines.

"And some of that will border on misinformation and disinformation.”

Ayon naman kay Lorraine Finlay, isang Human Rights Commissioner, kailangan munang maipaliwanag nang maayos ang maling impormasyon at disimpormasyon upang makausad.

“We need to both protect people from false information, but also make sure we’re protecting freedom of speech at the same time,” sabi niya.

Itinatanong ng episode na ito ng SBS Examines: Puwede bang labanan ang maling impormasyon nang hindi sinasakripisyo ang kalayaan sa pagsasalita?

Ang episode ng SBS Examines na ito ay tinatalakay kung maaari bang labanan ang misinformation nang hindi naaapektuhan ang freedom of speech?
More related content:

SBS Examines


Share