Explainer

Ano ang mga pagbabago sa visa at immigration sa Australia ngayong FY 2024-25?

Sa ilalim ng Migration Strategy ng gobyerno, inaasahan ang ilang pagbabago gaya ng limitasyon sa edad sa ilang visa ay babawasan at inaasahang Skills-in-Demand visa.

An image of an Australian flag with an "approved" stamp under the text "Visa"

A range of new measures will affect visa holders from 1 July. Credit: SBS

Noong December 2023, nag-anunsyo ang pederal na gobyerno ng iba’t ibang pagbabago sa visa ilalim ng bagong Migration Strategy, na makakaapekto sa ilang indibiwal na kasalukuyang nag-aaral at nagtatrabaho sa Australia, gayundin ang mga nais maghain ng aplikasyon.

Ayon sa pamahalaan, ang stratehiya ay layong ma-streamline ang sistema, ma-target ang kakulangan sa labour at skills, at makatulong sa pagpapahinto ng pang-aabuso sa mga migrant worker at maalis ang 'permanent temporariness' ng mga visa holder.

Ang ilan dito ay epektibo na pero may ilang nagsimula nitong ika-1 ng Hulyo 2024. Narito ang ilan:

Ano ang mga pagbabago na epektibo ika-1 ng Hulyo?

  • Onshore student visa applications

Maraming hakbang na nakakaapekto sa mga international ang naipatupad na ngayong taon. Ngayon, pinahihigpitan ng gobyerno ang mga patakaran kung sino ang maaaring mag-apply para sa Student visa onshore o habang nasa Australia.

Simula Hulyo 1, ang mga may hawak ng ilang mga Visitor, Maritime, at Temporary Graduate visa ay hindi na magiging kwalipikado na mag-apply para sa onshore Student visa.

Ang mga may hawak ng mga sumusunod na visa ay hindi na papayagang mag-apply onshore o mula sa loob ng Australia:
  • Temporary Graduate (subclass 485)
  • Visitor (subclass 600)
  • Electronic Travel Authority (subclass 601)
  • Medical Treatment (subclass 602)
  • eVisitor (subclass 651)
  • Maritime Crew (subclass 988)
  • Temporary Graduate visas

Ang haba ng pananatili para sa mga may hawak ng Temporary Graduate visa (TGV) ay pinaikli, at may bagong limitasyon sa edad na ipinatutupad.

Ang Temporary Graduate visa (subclass 486) ay pinasimple mula sa apat na stream patungo sa tatlo, at pinalitan ng pangalan tulad ng sumusunod:
  1. Graduate Work Stream → magiging Post-Vocational Education Work stream
  2. Post-Study Work Stream → magiging Post-Higher Education stream
  3. Second Post-Study Work Stream → magiging Second Post-Higher Education Work stream
  4. Replacement Stream → tinanggal na
A woman writes in a library.
The length of stay for Temporary Graduate visas is being reduced, and an age limit will be imposed. Source: Moment RF / skaman306/Getty Images
Ang limitasyon sa edad ay binaba sa 35 taong gulang o mas bata.

Matapos ang ilang kalituhan tungkol sa kung paano ito makakaapekto sa mga na kumukuha ng master o doctorate (PhD), nilinaw ng gobyerno: mananatili silang kwalipikado hanggang edad 50. Ang mga may hawak ng pasaporte ng Hong Kong at British National Overseas ay mananatili ring kwalipikado hanggang edad 50.

Ang length of stay o haba ng pananatili sa Australia ay hindi magbabago para sa mga may hawak ng TGV sa Post-Vocational Education Work stream — nananatili itong hanggang labing-walong buwan.

Ngunit para sa mga nasa Post-Higher Education Work stream, magbabago ang haba ng pananatili: ang mga indibidwal na nakatapos ng bachelor degree, kabilang ang honours, ay maaaring manatili hanggang dalawang taon. Para sa masters by coursework, ang maximum na pananatili ay hanggang dalawang taon, at para sa mga mag-aaral na nag-aaral ng masters by research o PhD, tatlong taon.

Iba ang haba ng pananatili para sa mga may hawak ng TGV na nagtapos mula sa isang regional educational institution at nanirahan sa isang regional area ng hindi bababa sa dalawang taon.

Para sa mga Indian national, hindi magbabago ang mga nauna ng haba ng pananatili.
  • Temporary skills visas

Mayroon ding ilang pagbabago sa mga kondisyon para sa mga migrante sa ilang mga temporary visa, na magkakaroon ng mas mahabang panahon para sa mga arrangement kung sila ay tumigil sa pagtatrabaho sa kanilang sponsoring employer.

Ang mga pagbabago ay nakakaapekto sa mga may hawak ng sumusunod na visa:
  • Temporary Work (Skilled) (subclass 457)
  • Temporary Skill Shortage visa (subclass 482)
  • Skilled Employer Sponsored Regional (provisional) (subclass 494)
Magkakaroon na sila ngayon ng mas mahabang panahon upang makahanap ng bagong sponsor, mag-apply para sa ibang visa, o umalis sa Australia:
  • 180 days at a time, o
  • Maximum na 365 days sa kabuuang panahon ng visa grant period.
Papayagan ang mga may hawak ng visa na magtrabaho para sa ibang mga employer sa panahon na ito. Ang mga pagbabago ay naaangkop sa mga kasalukuyang may hawak ng visa pati na rin sa mga nabigyan ng visa sa o pagkatapos ng ika-1 ng Hulyo.
  • Business Innovation and Investment Program (BIIP)

Isinasara na ng gobyerno ang Business Innovation and Investment (provisional) visa (subclass 188) — ang visa na nagpapahintulot sa mga may hawak nito na magmay-ari at magpatakbo ng negosyo, magsagawa ng mga aktibidad sa negosyo at pamumuhunan, o magsagawa ng aktibidad na pang-entrepreneur sa Australia.

Simula ika-1 ng Hulyo, wala nang bagong mga alokasyon para sa BIIP. Sa halip, isang National Innovation visa ang magiging available sa katapusan ng 2024.

Ang mga may hawak ng provisional BIIP (subclass 188) na kwalipikado para sa subclass 888 — ang permanenteng katumbas nito — ay maaari pa ring magpatuloy sa landas na ito pagkatapos ng Hulyo 2024.

Ano ba ang mga pagbabago sa mga susunod na buwan?

  • Skills in Demand visa

Isang pangunahing pangako sa Migration Strategy ay ang paglikha ng Skills in Demand visa, na ipapakilala ng gobyerno sa huling bahagi ng 2024.
Workers in hi-vis orange vests talk at solar thermal research facility
A Skills in Demand visa hopes to attract migrants with experience in areas like green technologies. Credit: Michael Hall/Getty Images
Ang apat na taong temporary skills worker visa na ito ay naglalayong palitan ang Temporary Skill Shortage visa (subclass 482), na kasalukuyang nagpapahintulot sa mga may hawak nito na manirahan sa Australia habang nagtatrabaho ng full-time para sa isang nag-sponsor na employer.

Ang Skills in Demand visa ay nagta-target ng tatlong pathways:
  1. Specialist Skills: fast-tracks applications from high-earning professionals with skills in areas like technology and green energy industries
  2. Core Skills: focuses on areas with shortages, to simplify the application process and create an occupation list designed to be regularly updated
  3. Essential Skills: targets lower-paid workers in critical sectors like aged care
  • Bagong National Innovation visa

Hindi pa nailalabas ang maraming detalye tungkol sa visa na ito, ngunit nilalayon nitong makaakit ng mga mataas na antas na mananaliksik at mamumuhunan. Pagsasamahin at papalitan nito ang Global Talent visa (subclass 858) at ang BIIP.

Share
Published 2 July 2024 11:10am
By Ruth McHugh-Dillon
Presented by TJ Correa
Source: SBS


Share this with family and friends