'Tatlong araw na visa processing' para sa mga teacher at nurse na gusto magtrabaho sa Australia

Matapos ang pagbabago ng gobyerno sa paraan ng pagbibigay prayoridad sa mga skilled visa application, ilang araw na lamang ang assessment sa mga visa para sa guro at healthcare workers.

Visa applications.jpg

Visa applications for nurses are now only taking three days to process.

Tatlong araw na lamang ang pag-assess sa mga aplikasyon sa skilled visa para sa mga guro at health care worker matapos ang baguhin ng gobyerno ang pagbibigay prayoridad sa mga skilled visa.

Inihinto ng Kagawaran ng Home Affairs ang paggamit ng Priority Migration Skilled Occupation List (PMSOL) upang malaman ang dapat unahin na mga skilled visa application matapos malaman na hindi na napapanahon at hindi na sumasalamin ito sa kritikal na kakulangan sa mga manggagawa sa kabuuan ng Australya.

Una nang ipinakilala noong Setyembre 2020 ang listahan ng 44 na trabaho sa mas malawak na Skilled Migration Occupation List (SMOL) na dapat mas madaliin ang proseso para sa pagbangon mula sa pandemya. Ito ay inihinto na simula pa noong ika-28 ng Oktubre.

Kabilang sa nasabing listahan ang mga engineer, chef, accountant, psychiatrist, programmer at pharmacist. Kasama din dito ang ilang healthcare workers gaya ng mga nurse at doktor pero hindi ang mga guro.
Visa applications for nurses.jpg
Visa applications for nurses are now only taking three days to process.
Ayon sa Kagawaran ng Home Affairs ang bagong Ministerial Direction No. 100 na nag-aatas sa mga tauhan na gumawa ng aksyon at gawing prayoridad ang mga visa na nasa mga sektor ng kalusugan at edukasyon.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng kagawaran sa SBS News na ang assessment ng aplikasyon at tatlong araw na lamang.
Ang pagbabago ay para sa lahat ng mga skilled visa nomination at visa application na hindi pa nadedesisyunan, maging ang mga bagong aplikasyon na inahain kabilang ang temporary, employer-sponsored at regional visas.

Tinatanggal din nito ang prayoridad sa mga global talent at mga programa sa business innovation and investment.

Kabilang sa mga prayoridad na trabaho ay mga school teacher, health and welfare support worker, childcare centre manager, medical scientist, counsellor, psychologist, social worker at medical technician.

Bagong pagkakasunod-sunod ng priority para sa mga skilled visa application

Narito ang listahan ayon sa bagong ministerial direction ngbmga skilled visa appication base sa prayoridad ng pinagdedesisyunan ng kagawaran:

1. Mga healthcare o mga teaching occupation application;

2. Para sa mga employer-sponsored visa, ang mga aplikante na nominado ng aprubadong sponsor na may Accredited Status;

3. Ang mga nasa designated regional area;

4. Ang mga nasa permanent at provisional visa subclass, mga visa application papunta sa migration program maliban sa Subclass 188 (Business Innovation and Investment (Provisional)) visa;

5. Iba pang mga visa application

Para sa mga nasabing kategorya, ang prayoridad ay ibibigay sa mga May hawak ng eligible na pasaporte dahil hindi lahat ng mga visa stream ay bukas sa bawat bansa.

Sa bawat kategorya, ang prayoridad ay ibinibigay sa mga aplikante sa labas ng Australya para sa mga provisional at mga permanent skilled visa application.
Anthony Albanese standing at the Jobs and Skills Summit.
Anthony Albanese's government has made changes to Australia's skilled migration program since winning the election in May. Source: AAP / Lucas Coch
Ang bagong criteria ay para sa mga sumusunod na skilled visas:
  • Subclass 124 (Distinguished Talent)
  • Subclass 186 (Employer Nomination Scheme)
  • Subclass 187 (Regional Sponsored Migration Scheme)
  • Subclass 188 (Business Innovation and Investment) (Provisional)
  • Subclass 189 (Skilled - Independent)
  • Subclass 190 (Skilled - Nominated)
  • Subclass 191 (Permanent Residence (Skilled Regional))
  • Subclass 457 (Temporary Work (Skilled))
  • Subclass 482 (Temporary Skill Shortage)
  • Subclass 489 (Skilled - Regional (Provisional))
  • Subclass 491 (Skilled Work Regional (Provisional))
  • Subclass 494 (Employer Sponsored Regional (Provisional))
  • Subclass 858 (Global Talent)
  • Subclass 887 (Skilled - Regional)
  • Subclass 888 (Business Innovation and Investment (Permanent).

Mas mabilis na proseso sa mga visa application

Sinabi ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Home Affairs na ang dating sistema ng PMSOL ay “kumakain ng maraming oras at kumplikadong assessment” na kailangan lamang dahil sa backlog ng mga aplikasyon na nagpatong-patong noong panahon ng may restriksyon ang bansa dahil sa pandemya.

“Ang pagtanggal ng PMSOL ay mas magpapabilis ng proseso partiular na sa mga kritikal na Temporary Skill Shortage visa, na dinesenyo upang tugunan ang pangangailangan sa manggagawa,” saad ng tagapagsalita.
Sang-ayon ang dating kalihim ng Kagawaran ng Imigrasyon na si Abul Rizvi na mas mapapabilis nito ang proseso “dahil tinatarget na nito ang mas maraming trabaho.”

Dagdag nitong “wala punto na magkaroon ng priority list kung bawat trabaho naman ay tinatarget.”

Suportado din ni Rizvi ang pagtutok sa mga guro at nurse na mapabilis ang pag-apply.
Mas marami pa ang mga posibleng pagbabago, lalo na ang pederal na gobyerno ay nangako na susuriian kung epektibo ba ang mga skilled migration occupation list. Ang huling update dito ay noong 11 March 2019.

Inanunsyo din ng gobyerno ang komprehensibong pag-aaral sa sistema ng migrasyon ng Australya kung saan inaasahan na magbibigay ng interim report ang tatlong eksperto sa katapusan ng Pebrero at pinal na stratehiya sa Marso o Abril ng susunod na taon.

Isa mga nabanggit na eksperto ang dating nangungunang public servant na si Martin Parkinson at nabanggit nitong
A man in a suit and tie and wearing glasses.
Martin Parkinson is co-conducting a review of Australia's migration system.
na mag-sponsor ng permanente ng mga nasa $85,000 kada taon ang sahod habang ang mga migrante kumikita ng $70,000 na maging eligible sa temporary sponsorship.

Ang mga temporary skilled migration visa ay kasalukuyang available lamang sa mga manggagawa sa ilang trabaho at dapat na kumikita ng $53,900 kada taon.

Ayon sa employment marketplace na Seek, ang mga guro ay kumikita sa karaniwan sa pagitan ng $85,000 hanggang $100,000 kada taon habang ang mga nurse naman ay sa pagitan ng $70,000 at $90,000.

Bawas sa backlog ng mga visa application

Simula noong ika-1 ng Hunyo, naisapinal ng Kagawaran ng Home Affairs ang 43,000 na mga skilled at 47,000 na mga permanent skilled visa.

Noong Nobyembre, sa talumpati ni Immigration Minister Andrew Giles sa pagpupulong ng Committee for Economic Development of Australia (CEDA) kaugnay sa migrasyon, sinabi nitong ang backlog sa mga visa application na dating nasa isang milyon ay bumaba na sa 755,000.
Nasa daan na rin ang gobyerno na mapababa pa ito sa 600,000 sa katapusan ng taon na halos kalahati ang bilang ng umupo sa pwesto ang Labor.

Sa impormasyon na nakuha ng SBS, aabot sa 442 na dagdag na staff ang nagtatrabaho sa pagproseso ng temporary at migration visa kumpara sa simula noong Mayo.

Ang mga visa grant sa mga temporary skilled visa para sa 2023 hanggang 2023 ay tumaas ng 120% kumpara sa nakaraang taon.

Nais niyo bang ibahagi ang inyong kwento sa SBS News? Mag-email sa

Paunawa: Ang SBS News hindi maaring magbigay ng payo sa inyong personal na sitwasyon tungkol sa imigrasyon, para sa karagdagang impormasyon pumunta sa website ng

Share
Published 19 December 2022 1:14pm
Updated 19 December 2022 1:27pm
By Charis Chang
Source: SBS


Share this with family and friends