Highlights
- Tumawag sa Triple Zero (000) sa panahon ng kagipitan na nangangailangan ng agarang tulong.
- Kontakin Police Assistance Line (131 444) para sa mga insidente na hindi nangangailangan ng agarang aksyon.
- I-download at gamitin ang tools sa cellphone para sa mas madaling matukoy ang eksaktong lokasyon ng humihingi ng saklolo
Kapag ginamit ang Triple Zero mga insidenteng hindi emergency, naaantala ang tulong para sa mga nanganganib ang buhay.
Triple zero ang national emergency service number ng Australia. Ito ang numero na tinatawagan kung kinakailangan ng ambulansya, serbisyo ng bombero o mga pulis sa panahon ng kagipitan o kapag nanganganib ang iyong buhay.
Ayon sa Emergency Services Telecommunications Authority o ESTA, sa taong 2019 hanggang 2020 umabot sa higit 7,600 ang tawag na kanilang natanggap sa loob ng isang araw o isang tawag kada labing-isang segundo.
Ngunit saad ni Senior Sergeant Kristy Walters, ang direktor ng PoliceLink sa New South Wales Police, maaring makatulong ang mga residente na mabawasan ang dagsa ng tawag sa Triple Zero.
Sa pamamagitan ng paggamit lang ng numerong ito sa panahon ng emehensya. At sa halip ay tumawag sa Police Assistance Line (131 444) para sa mga non-urgent na insidente.
“Kapag ang tumawag at nakausap namin ay non-urgent na insidente ang ulat at ang tumatawag na may emergency ay hindi nakakapasok sa linya ."
Kailan tatawagan ang Triple Zero para sa pulis?
Paliwanag ni Senior Sergeant Walters kapag may emergency at kailangan ang agarang aksyon o nasa panganib ang buhay, tumawag agad sa Triple Zero.
Agad i-dial ang Triple Zero kapag nangyayari pa ang kremin o saksi ka sa isang nagaganap na kremin at posible pang ma-aresto ang mga salarin o may nangangailngan ng agarang tulong ng pulis.
Police Assistance Line
Ipinapaabot ni Acting Sergeant Katie Fish mula sa Police Assistance Line at online reporting team sa Victoria, ang mga maliliit na krimen o non-urgent na insidente gaya ng nakawan, nawalan ng gamit at lumipas na ang ilang oras mula ng mangyari ang krimen, dapat i-report sa Police Assistance Line sa 131 444.
At ang linyang ito ay 24-oras na matawagan mula araw ng Lunes hanggang Linggo.
“Halimbawa kung nawalan ka ng gamit sa loob ng tren o habang nasa daan pauwi o ninakaw ang bike mo dahil may nanloob sa bahay habang wala kayo lahat ng ito ay i-report 131 444, the Police Assistance Line.”

Police Assistance Line (131 444) is available nationwide 24 hours a day, seven days a week. Source: Victoria Police
Dagdag ni Senior Sergeant Walters ang maliliit na aksidente o banggaan sa daan ay hindi na kailangan i-report sa pulis.
"Kapag may banggaan ng sasakyan at walang nasaktan, hindi rin involve ang drugs at hindi ito lasing maari na itong hindi i-report sa pulis. Kailangan lang mag palitan ng detalye ang kapwa driver para sa insurance."
Subalit kapag may nasaktan sa aksidente o kaya nakahambalang sa kalsada ang mga sasakyang naaksidente, agad tumawag sa Triple Zero.
Gayunpaman, madiing habilin ni Acting sergeant Fish kapag nanganganib ang buhay dahil sa karahasan sa loob ng bahay o may domestic violence, agad tumawag ng pulis sa Triple zero para sa agarang proteksyon.

There is no requirement to report a minor car collision to the police. Source: Getty Images/Guido Mieth

Police and emergency personnel work at the scene of where a car ran over pedestrians in Flinders Street in Melbourne Source: MARK PETERSON/AFP via Getty Images
“Sa pagkakataong ito dapat agad i-dial ang Triple Zero. Ang karahasan sa loob ng tahanan ay isang kremin at dapat i-report sa pulis para sa proteksyon at kaligtasan ang biktima."
Sa panahon naman ng kalamidad tulad ng baha, bagyo o pagguho ng lupa at nasira lang ang mga bahay at walang nanganganib ang buhay tumawag sa State Emergency Service (SES) at hindi sa Triple Zero.
"Sa pagkakataong ito dapat kontakin ang State Emergency Service o SES sa 132 500," dagdag pahayag ni Acting Sergeant Fish.

For storm and flood assistance, call the State Emergency Service (SES). Source: Getty Images/doublediamondphoto
May serbisyo ng interpreter
Pinaunawa din ni Senior Sergeant Walters kahit hindi makapagsalita ng Ingles maaari pa ding tumawag sa Triple Zero at Police Assistance Line.
Kailangan lang sabihin kung anong lingwahe ang gagamitin, para sa ihahandang interpreter at ito ay libre.
Paalala ni Senior Sergeant Walters kapag tumawag sa Triple Zero sikaping kalmado at may presence of mind.
"Dapat kumalma at pakinggan ang tanong ng operator. Dahil ang tamang lokasyon ay napakahalaga. Kung hindi alam ang lokasyon i-download Emergency Plus App, gumamit ng mapa, dahil kapag hindi tama ang lokasyon matatagalan ang pagresponde."

A man talks to police after he was rescued from his submerged car by State Emergency Service workers in Windsor on July 04, 2022 in Sydney Australia Source: Jenny Evans/Getty Images
Mobile apps makakatulong sa pagtukoy ng lokasyon
Ang at ang tinutukoy ng pamahalaan ng Australia para mas madaling matukoy ang eksaktong lokasyon ng mga humihingi ng saklolo sa pamamagitan ng pagtawag ng Triple Zero sa buong bansa.
Sa huli may pahabol na paalala si Acting Sergeant Fish para sa lahat ng mga nandito sa Australia, pag-isipang mabuti bago tumawag sa Triple Zero.
Kung panatiling gamitin ang Triple Zero para sa emergency o insidente nangyayari pa, maraming buhay ang mailigtas. Kung hindi segurado kung emergency ang sitwasyon tumawag sa 131 444 at ang operator na ang bahalang tumulong at magdesisyon.
Para sa serbisyo ng interpreter, tumawag sa 131 450.
Para sa biktima ng domestic violence, tumawag sa 1800RESPECT (1800 737 732)