Limang tips para makatulog nang maayos

Ayon sa 2019 Global Relaxation Report, pangatlo ang Australia sa mga bansang kulang umano sa tulog, kasunod dito ang Singapore at United Kingdom.

Sleep problems

Are you struggling to sleep? Source: Pixabay

Habang halos lahat ng mga Australyano ay sumasang-ayon na ang pagtulog at pagpapahinga ay mahalaga para sa pangkalahatang kalusugan, karamihan  ay nagreklamo na nahihirapan silang makatulog nang maayos.

Ayon sa pag-aaral mula sa 2019 Global Relaxation Report, marami pa rin sa mga Australyano ang hirap makatulog nang maayos lalo na sa panahon ng bakasyon.

Binigyang-diin ng sleep expert na si Dr Michael Breus ang kahalagahan ng  mabuting pagtulog at nagbigay ng mga payo kung paano mas makatulog nang maayos.

1. Mag-set ng oras ng paggising tuwing umaga

Panatilihin ang iyong normal na oras ng pagtulog. Kung regular ang oras ng paggising mo sa umaga, makakasunod ka sa iyong biological clock at mapapadali ang iyong paggising sa umaga.
Early Wake-up
Wake up early. Source: Shutterstock

Iwasan mag-kape pagpatak ng alas dos ng hapon

Subukang iwasan ang pag-inom ng kape anim hanggang walong oras bago matulog upang mas makatulog sa tamang oras. Malaking epekto sa pagtulog kapag nasobrahan ka sa pag-inom ng kape.
Female friends drinking coffee and using cell phone in cafe
Female friends drinking coffee and using cell phone in cafe. Source: Getty Images/Caiaimage/Paul Bradbury

Iwasan ang pag-inom ng alak tatlong oras bago matulog

Bagama't nagdudulot ng pagka-antok ang pag-inom ng alak, hindi ito nakakatulong sa iyong pagtulog. Sa halip, ito ay nagiging balakid para makatulog nang mahimbing. Makakaramdam ka din ng pagka-uhaw at mapapadalas ang pagpunta mo sa banyo na maaaring makakaantala sa iyong pagtulog sa gabi.
Cultural differences can mean many migrants are unaware of the dangers alcohol can cause
Source: Pixabay

Mag-ehersisyo

Nakakatulong ang ehersisyo na i-reset ang iyong biological clock. Hindi naman kinakailangang tumakbo sa isang marathon, ayon kay Dr Breus. Ngunit mainam na sanayin ang katawan sa mabilis na paglalakad. Huwag mag-ehersisyo kung malapit ka na matulog upang hindi ito makaantala sa ritmo ng iyong pagtulog.
Running a scenic road early in the morning. (Jordan Siemens)
Running a scenic road early in the morning. (Jordan Siemens) Source: Jordan Siemens

Uminom ng tubig at magpa-araw ng 15 minuto


Magpa-araw ng hanggan 15 minuto pagkagising. Ito ay nakakatulong na mag-regulate ng produksyon ng melatonin, isang sleep hormone. Ang iyong  body clock (circadian rhythm) ay  mas gagana nang maayos kapag mapapanatili mo ang isang regular na pattern.
Rehydrate and get a 15-minute sunlight
Rehydrate and get a 15-minute sunlight Source: wikimedia commons
BASAHIN DIN:


 



Share
Published 23 August 2019 2:20pm
Updated 17 August 2021 3:38pm
By Claudette Centeno-Calixto


Share this with family and friends