Nabuo na ang katanungan para sa Voice to Parliament, ano naman ang sunod na mangyayari sa referendum?

Ngayong nalaman na ng mga Australians ang itatanong sa First Nations Voice to Parliament referendum. Narito ang susunod na magaganap.

A split image showing the Aboriginal flag and the Torres Strait Islander flag

The Voice to Parliament referendum is due to take place this year. What do we know so far? Source: SBS / Lilian Cao

KEY POINTS:
  • Inihayag na ni Anthony Albanese ang mga salitang gagamitin sa Voice referendum.
  • Kailangan bumoto ng mga Australians sa pagtatapos ng taon.
  • Ibinahagi ni Ginoong Albanese ang mga detalye kung anong gagawin ng kinatawan.
Alam na ng mga Australians ang mga salitang gagamitin sa kanilang pagboto sa referendum.

Ito ang unang referendum sa loob ng halos 25 taon kung saan boboto ang publiko, at kung magtatagumpay, ito ang unang beses na babaguhin ng mga Australian ang konstitusyon mula 1977.

Sa kanyang pahayag matapos ang pagpupulong kasama ng Voice referendum working group, inihayag ni Prime Minister Anthony Albanese ang tanong na isusulat sa mga balota:
A proposed law: to alter the Constitution to recognise the First Peoples of Australia by establishing an Aboriginal and Torres Strait Islander Voice. Do you approve this alteration?
Dadalhin ito sa parliament para lagyan ng rubber stamp bago ang botohan sa katapusan ng taon.

What would the Voice look like?

Ang Voice ay magiging kinatawan na magbibigay ng payo sa pamahalaan sa mga isyu o usapin na makaka apekto sa mga First Nations Australians. Wala itong kapagyarihan na mag-veto o pumigil sa batas.
Ibinahagi ni Mr Albanese ang mga bagong detalye kung paano gaganap sa tungkulin ang kinatawan:
  • Magkakaroon ng fixed-term dates ang mga myembro para matiyak ang kanilang pananagutan o to "ensure accountability"
  • Magiging balanse ang kasarian o gender balanced at kabilang ang nakababatang miyembro.
  • Kukuha ito ng kinatawan mula sa lahat ng estado at teritoryo.
  • Magkakaroon din ng kinatawan mula sa ilang malalayong komunidad.
Pero hindi nya ipinahiwatig kung mga miyembro ay pipiliin o itatalaga.
Man in hat walks with men dressed in traditional Indigenous garb.
The question is slightly different to the draft wording Mr Albanese unveiled at the Garma festival last year. Source: AAP / Aaaron Bunch / AAP Image

Ano ang susunod na hakbang?

Ang pagboto sa parliament, kasunod ang pagboto ng mga mamamayan.

Para magkaroon ng referendum, kailangan isalang ang batas sa parliamento.
Hindi karaniwan, pero hindi kailangan pumasa ang batas sa House of Representatives at Senado. Maari itong pumasa sa Labor-held House of Representatives ng dalawang beses, ibig sabihin nito ay garantisado na ang tagumpay ng batas.

Kailang bumoto ng "Yes" or "No" ng mga Australian adults sa tanong naibinahagi ng Punong Ministro noong Huwebes.
Maraming botante sa mga estado ang kailangan para maisakatuparan ang Voice.

Kung magiging sapat ang bilang ng botante, ayon kay Ginoong Albanese, magkakaroon ng proseso kasama ng mga katutubong komunidad at publiko at sisimulan ang pagdisenyo ng Voice o "settle the Voice design".

Kapg nangyari ito, dadalhin ito sa parliament tulad ng ibang batas para sa debate at pagrepaso.

Kailan kami boboto?

Referendum Dates v2.jpg
Sa maikling panahon.

Ipinangako ni Ginoong Albanese na isasagawa ang pagboto bago matapos ang taon.

Maari itong mangyari sa pagitan ng mga buwan ng Oktubre at Disyembre.

Ginaganap ang mga referendums tuwing Sabado, ibig sabihin ay may ilang petsa lang na pagpipilian kung kailan gaganapin ang pagboto.

Share
Published 2 June 2023 5:09pm
By Finn McHugh
Source: SBS


Share this with family and friends