KEY POINTS:
- Inihayag na ni Treasurer Jim Chalmers ang ikalawang budget nitong Martes ng gabi.
- Naka sentro ang 2023-24 budget ng Labor sa cost of living relief.
- Kasama sa budget ang ayuda sa mga umuupa, aged care workers, at nasa JobSeeker.
Mas mababang gastos sa pagpapagamot, bawas sa renta para sa ilan at dagdag ayuda para sa mga single parent.
Subalit inaasahan ang pagtaas ng bayad sa visa, at mga pinaka mayayamang tao sa Australia at inaasahang magkakaroon ng malaking tax break.
Pinagtatalunan
Mga umaasa sa tulong ng gobyerno
Tumugon ang Labor sa panawagan na itaas ang ayuda para sa mga estudyante at manggagawa sa gitna ng cost-of-living crisis.
Makakatanggap ng $20 na weekly increase – o $2.86 kada araw – mula katapusan ng Setyembre ang mga nasa sumusunod na programa:
- JobSeeker
- Youth Allowance
- The Partnered Parents Payment
- Austudy
- ABSTUDY
- The Youth Disability Support Pension
- The Special Benefit Payment
MAs malaki ang matatanggap ng may edad na higit sa 55, kabilang ang mga kababaihan na vulnerable sa paghihirap at kawalan ng tahanan. Makakakuha sila ng dagdag na $92.10 bawat fortnight.
Pero mas mababa pa rin ito sa inaasahan ng mga welfare advocates kung saan hiling ng Australian Council of Social Service na magkaroon ng weekly rate na $476.

There are many groups who will get more as JobSeeker payments are increased. Source: SBS
Nangungupahan
Ang mga low-income renters o umuupa na may mababang kita at tatanggap ng tulong.
Tataas ang Commonwealth Rent Assistance payment ng 15 per cent, ibig sabihin nito na ang isang tao na walang anak ay makakatanggap ng hanggang $90.39 kada linggo - o dagdag na $11.79 bawat linggo.

May-ari ng maliliit na pharmacy o botika
Ilang pharmacy owners ang nagalit dahil sa inanusyong pagbabago sa paraan ng pagbili ng gamot ng mga mamamayan.
Pero ayon sa mga pharmacy, magiging dahilan ito ng pagsasara ng ilang negosyo. Para kay Health Minister Mark Butler hindi ito madaling tatanggapin ng ilang botika.
Subalit papabor ito sa nasa anim na milyong pasyente dahil magiging kalahati ang bawas sa kanilang gastos sa gamot at di nakaiangang magpabalik-balik ng madalas sa mga pharmacy.
Winners
Mga bata at matatang pasyente ng GP
Mas magiging mura na para sa maraming Australians ang pagpapakonsulta sa mga doktor.
Ang mga mas bata sa edad na 16, pensioners, at ibang concession card holders ay magkakaroon ng tripleng bulk billing para sa mga karaniwang konsultasyon sa GP.
Ibig sabihin, libre ang pagpapatingin sa mga doktor ng nasa 11 million na mamamayan.
Kasama rin dito ang telehealth consultsna hanggang 20 minutes.

The single parent payment will continue until a child is 14-years-old, rather than eight.
Ang mga single parents na hirap sa buhay ay tutulungan din ng pamahalaan. Ipagpapatuloy ang single parent payment hanggang umedad ang kanilang anak ng 14 na taong gulang sa halip na 8 taon.
Nasa 57,000 magulang ang makakakuha ng dagdag na anim na taong ayuda na mas mataas sa JobSeeker at nagkakahalaga ng dagdag na $176.90 bawat fortnight.
Homeowners
Mas magiging mura na ang pagpapakabit ng solar panels o double-glazed windows sa mga tahanan.
Magbibigay ang Labor ng bagong $1.3 billion fund, bilang low-cost loans o pautang para sa mga nagpapa-ayos ng bahay para makatipid sa kuryente.
Kasama dito ang $300 million na sadyang inilaan sa social housing upgrades, na ayon sa Labor ay makakabawas sa energy costs ng 60,000 tahanan.
Tinatayang ang pagpapabuti ng energy efficiency rating ng bawat bahay hanggang three stars ay makakatipid ng malaki sa bill.
Sebisyo para sa family at sexual violence
Ang mga pangunahing serbisyong tumutugon sa mga pang-aabuso at tatanggap ng dagdag na $159 million sa loob ng dalawang taon sa tulong ng national partnership ng mga estado at teritoryo.
Isang trial payment para sa mga babaeng tumakas sa pang-aabuso o family violence ay ipagpapatuloy hanggang 2025. Ibabahagi ang pondo sa family court system, emergency accommodation services, at early intervention work.
Sisimulan na rin ang national perpetrator referral database, pero hindi pa matiyak ang kalalabasan nito.
Ang review kung paano umiiral ang legal system sa paghawak sa mga kasong kaugnay ng sexual violenceay magkakaroon ng $6.5 million pondo sa loob ng apat na taon.

Prime Minister Anthony Albanese and Treasurer Jim Chalmers have delivered their second budget. Source: AAP / Mick Tsikas
Makikinabang ang mga mayayamang Australian sa desisyon ng Labor na magkaroon ng stage three tax cuts, na inaasahang katumbas ng $200 billion sa loob ng sampung taon.
Ang tax cuts, na sinimulan ng nagdaang Coalition government na sinuportahan ng Labor, ay naging daan ng pagtatalo ng mga pamilyang maliit ang kinikita at apektado ng cost-of-living pressures.
Pero hindi sila nabanggit sa nagdaang talumpati noong Martes at ayon kay ginoong Chalmers na hindi ito ang dapat maging sentro ng pag-uusap bago ang budget.

Andrew Forrest could be one of the big winners from the budget.
Maaring makinabang ng malaki ang mining magnate sa $4 billion na ilalaan sa renewable energies.
Tumaya ang pamahalaan ng $2 billion sa green hydrogen para mabawasan ang paggamit ng fossil fuels, na ayon sa budget papers ay kinakailangan para makatapat sa overseas markets tulad ng US.
Mgtatayo ito ng bagong Hydrogen Headstart program, ang tugon ng Australia sa Inflation Reduction Act ng Biden Administration.
Si Ginoong Forrest - isa sa pangunahing hydrogen proponents sa bansa - ay nagbabala na napag-iwanan na ang Australia sa green hydrogen.
Losers
Visa applicants
Mas magiging magstos ang pag-aapply ng visa.
Ttaas ang halaga ng bayad sa application ng 6 percentage points mula July, maliban sa mga aplikanteng galing sa Pacific Islands.

Visa application costs are set to rise.
Ang mga turista ay magbabayad ng dagdag na $40 ($190 overall), ang backpacking visa ay madadagdagan ng $130 ($640 overall), at ang mga estudyante ay magbabayad ng dagdag na $65 ($715 overall).
Magkakaroon din ng 40 percentage point increase para sa mga business innovation at investment visas.
Ang mga pagbabago ayon sa pamahalaan ay magbibigay ng dagdag na $100 million bawat taon, na magiging pondo para sa pagpapabuti ng sistema ng pagproseso ng visa.
Malaking balanse sa super
Bubuwisan ng mas mataas ang may malaking balanse sa super.
Ang pera sa mga superannuation funds ay nakakakuha ng malaking concessions, na may buwis na 15 per cent (or zero per cent, kapag ito ay nasa retirement pension account).
Itatas ito ng Labor sa 30 per cent sa bawat dolyar na higit sa $3 million mula kalagitnaan ng 2025.
Multinational corporations
Mawawala na ang mga butas sa pagbubuwis ng mga international corporations sa Australia.
Mula 1 January 2024, ang malalaking international corporations ay magbabayad ng minimum tax rate na 15 per cent.
Kahit makakahanap ang kumpanya ng mas mababang tax rate sa ibang bansa, halimbawa ay 13 per cent, magiging 15 per cent ang kanilang kailangang bayaran pagdating sa Australia.
Kumpanya ng tobacco at vape
Ang mga nicotine products ay mas magiging mahal, hindi kaaya-aya o ilegal.
Kasama sa budget ang 5 per cent tax hike sa sigarilyo. Aabot na sa $50 ang presyo ng isang pakete.
Inaasahang magdadala ito ng kita sa pamahalaan ng halagang $3 billion.
, habang ang mga medically prescribed vapes ay tatanggalan ng flavour at ilalagay sa mga pharmaceutical-like packaging.