Ano ang dapat gawin kapag nakakuha ng multa?
Kapag kayo ay nagkaroon ng multa, huwag itong balewalain! Lumalaki lamang ang multa sa paglipas ng panahon at dagdag na multa ay ipapataw sa naunang multa kung papatagalin ninyo na hindi bigyang-pansin ito.
Kung kayo ay pinagmulta at hindi sigurado kung ano ang gagawin, o kung gusto niyong labanan ito o nais ng payo ng isang eksperto, makipag-ugnayan sa Legal Aid.
Paano makakakuha ng libreng tulong-ligal?
Mayroong Legal Aid sa bawat estado at teritoryo, kung saan nakahanda ang mga abogado na sagutin ang inyong mga tanong.
Sila din ay may mga tagapag-salin uoang maaari kayong makipag-usap sa taong kaparehas ninyo ang wika.

There is free Legal Aid available when you get a fine and want to dispute it or have incurred penalties. Source: AAP
Ano ang dapat gawin kapag may pinansyal na kahirapan?
Maaari kayong tulungan ng Legal Aid sa ilang partikular na sitwasyon, tulad ng lubhang kahirapang pinansyal o kung dumadanas mula sa isang karamdamang pangkaisipan, upang maka-akses sa mga espesyal na programa.
May espesyal na konsiderasyon sa ilalim ng batas para sa mga taon na makakapagpakita na sila ay walang sapat na salapi upang bayaran ang multa, ayon kay Paula Novotna mula Legal Aid NSW.
Ito ay maaaring mangahulugan ng pagkakaroon ng plano ng pagbabayad o paglinis ng inyong multa sa pamamagitan ng mga gawain imbes na pera.
Paano iwasan ang paulit-ulit na utang sa multa?
May iba't ibang serbisyo upang makatulong na malinis ang inyong utang mula sa mga multa.
Halimbawa ang programang ng Legal Aid NSW ay maaaring payagan kayo na bayaran ang utang sa pamamagitan ng boluntaryong pagtrabaho, mga programa ng paggagamot, pagpapayo o counselling, mga kurso at iba pang gawain.
Kahit na kayo ay hindi karapat-dapat, maaari pa rin kayong makakuha ng tulong sa mga lampas na sa taning na mga multa.

If you have accumulated a debt, there are options availbale to help you pay it off. Source: AAP