Settlement Guide: 9 na dahilan upang magpasuri sa doktor

Anuman ang iyong edad, ang pagpapasuri ng inyong kalusugan ay mahalaga upang matukoy ang mga potensyal na kadahilanan ng panganib, upang maiwasan ang mga sakit at para makatulong na maging masaya at malusog ang buhay.

Doctor's visit

Source: Getty Images

Narito ang 9 na dahilan kung bakit kailangang regular na ipasuri ang inyong kalusugan.

1. Upang suriin ang inyong pangkalahatang kalusugan

Kung kayo ay pupunta upang magpasuri, maaaring tanungin kayo ng inyong GP tungkol sa inyong medikal na kasaysayan, kasaysayan ng kalusugan ng inyong pamilya at kung anong uri ng inyong pamumuhay.  Maaari nilang hilingin ang isang pamantayang pagsuri ng kalusugan kabilang ang mga pagsuri sa dugo, ihi, paningin at pandinig.
Health check
A stethoscope in the shape of a normal EKG graph Source: Getty Images

2. Upang magpakuha ng pagsuri para sa diabetes

280 Australyano ang nagkakaroon ng bawat araw. Iyon ay isang tao kada limang minuto. Ang pagsuri sa diabetes a sinusukat ang antas ng asukal na dugo (blood sugar). Ang blood sugar level test ay ginagamit para sukatin ang antas ng glucose sa inyong dugo.
Diabetes test
African woman using diabetes test kit Source: Getty Images

3. Upang suriin ang inyong kolesterol

Sinabi ng  mahalaga na mapamahalaan ang antas ng inyong kolesterol.
Cholesterol test
Cholesterol test Source: Getty Images

4. Upang makuha ang antas ng presyon ng dugo

Ang mataas na antas ng presyon ng dugo sa loob ng mahabang panahon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng panganib para sa sakit sa puso. Iminumungkahi na ipasuri ang presyon ng inyong dugo kada anim na buwan.  Anumang pagbasa ng inyong  na mababa sa 120/80mmHg ay itinuturing na pinaka-mainam.
Blood pressure test
Source: AAP

5. Para suriin ang inyong BMI

Dalawang-katatlo ng mga Australyano kung hindi man sobra sa timbang ay napakataba.  Maaaring suriin ng mga doktor ang inyong Body Mass Index na siyang proposyon ng inyong timbang sa inyong taas.  Ang  nagbibigay sa'yo ng ideya kung ikaw ba ay kulang sa timbang, tama sa timbang, sobra sa timbang o napakataba para sa iyong tangkad.
Obesity
Source: AAP

6. Upang ang aktibidad ng iyong puso

Ang  (ECG) ay isang simpleng medikal na pagsuri na sumusukat sa elektrikal na aktibidad na nililikha ng puso, kapag kumikilos ang puso.  Maaaring hilingin ng GP na ikaw ay sumailalim sa ECG test upang makita ang mga abnormalidad sa puso.
ECG report
Close-up of an ECG report Source: Getty Images

7. Upang magpabakuna

Tinataang sa kasalukuyan ang mga pagbabakuna ay nakakapagligtas ng hanggang tatlong milyong buhay bawat taon. Ang ay  isang simple, ligtas at lubos na mabisang paraan upang protektahan ang mga bata at matatanda mula sa mga mapanganib na sakit bago pa sila magkaroon nito.
Flu shot
Source: David Cheskin/PA Wire

8. Upang masuri ang inyong balat

Ayon sa dalawa sa tatlong Australyano ay masusuri na mayroong kanser sa balat pagdating sa gulang na 70, kung saan mahigit 750,000 tao ang ginagamot para sa isa o higit a na hindi-melanoma na uri ng kanser sa balat sa Australia bawat taon.  Sinusuri ng GP ang inyong balat para sa mga hindi-karaniwang nunal o mga pantal na maaaring maging kanser sa balat.
Skin check
Dermatologist examining patient for signs of skin cancer Source: Getty Images

9. Upang suriin ang kalusugan ng kaisipan

Sinabi ng  tatlong milyong Australyano ang nabubuhay sa depresyon o pagkabalisa.  Ang mga ang pinakamahusay na panimula para sa sinuman na naghahanap ng propesyonal na tulong.
R U OK
Source: Public Domain


Share
Published 2 February 2017 6:26pm
Updated 6 February 2017 4:26pm
By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata


Share this with family and friends