Sinuportahan ng National cabinet ang bagong international at domestic travel measures para palakasin ang proteksyon laban sa COVID-19. Ito ay tugon sa banta ng mas nakakahawang UK coronavirus variant.
Idineklara ang Greater Brisbane bilang coronavirus "hotspot" sa Commonwealth level, matapos magpositibo sa bagong variant ang isang cleaner at isinailalim sa tatlong araw na lockdown ang syudad.
Ang mga pasaherong patungomg Australia ay kailangan magkaroon ng negative COVID-19 test result bago lumipad. Binawasan rin ang cap sa mga returning travellers.
Isasailalim din sa rapid testing ang mga pasaherong mula sa United Kingdom bago pasakayin ng eroplano pauwi.
Mandatory ang pagsusuot ng mask sa lahat ng domestic at international flights at sa mga domestic airports ng Australia - maliban sa mga edad 12 pababa - inirerekomeda sa mga overseas airports.
"This virus continues to write its own rules, and that means that we must continue to be adaptable in how we continue to fight it," Mr Morrison said.
Magkakaroon ng exemptions sa testing requirements ang seasonal workers mula sa mga low-risk na bansa at isasailalim sa "tailored" checks.
Binawasan ang International arrival caps hanggang Pebrero
Ang dami ng international arrivals na bumabalik sa Australia ay binawasan ng 50 per cent sa New South Wales, Western Australia at Queensland
Ang bagong cap sa New South Wales ay 1,505 kada linggo, sa Western Australia 512 kada linggo at sa Queensland ay 500 tao kada linggo
Mananatili sa 490 na tao kada linggo ang cap sa Victoria.
Ayon sa National cabinet mananatili ang bilang hanggang 15 February
Sinabi ni Ginoong Morrison na 80 per cent ng mga Australians na naka rehistro sa ibang bansa ay nasa mga lugar na may kaso ng bagong coronavirus variant.
"There are many unknowns and uncertainties in relation to the new strain, and so that's why this precautionary approach, we believe, is very sensible," he said.
Ayon kay Chief Medical Officer Paul Kelly, ang mahigpit at mabilis na pagresponde ay nakatuon sa pag-alis ng panganib na dulot ng bagong coronavirus.
"Our main issue is to keep Australians safe and to really make sure that this particular strain is not the one that becomes circulating in Australia," he said.
"The reason is because it will be much more difficult to control."
All quarantine workers will now also be tested daily.
Lahat ng international air crew ay dapat sumailalim sa COVID-19 test sa Australia bawat pitong araw pagdating at mag quarantine sa mga itinalagang lugar sa bawat flight.
Halos 38,000 ang nakarehistro sa Department of Foreign Affairs and Trade na gustong maka-uwi sa Australia mula sa ibang bansa.