Key Points
- Tatlong properties sa Western Australia ang may pinakamataas na pagsampa ng presyo sa unang quarter ng 2024.
- Ilang regional areas ang naungusan sa presyo ang mga lungsod sa kapitolyo sa tatlong buwan hanggang Abril.
- Apektado rin ang presyo ng mga paupahan kung saan nakita ang pagtaas noong 2024 sa mga regional areas.
Naitala ang matataas na halaga ng bahay sa Western Australia ayon sa bagong pag-aaral.
Sa pinakabagong datos ng CoreLogic na inilabas noong Lunes, lumabas na mas nauungusan sa presyo ng mga property at paupahan sa regional areas ang mga bahay sa mga kabiserang lungsod sa unang quarter ng 2024, na tumalon mula 2.1 per cent mula sa 1.7 per cent.
Pinakatumaas ang halaga ng mga bahay sa mga baybayin ng Western Australia kung saan pumalo sa 8.8 per cent ang pagtaas sa Geraldton, Busselton sa 7.7 per cent at Bunbury sa 6.4 per cent sa unang quarter.
Nakita din sa nasabing datos na na nangunguna ang Bunbury sa annual growth kung saan ang median home prices ay tumaas sa aabot na $100,000, o 20.7 per cent, sa loob ng 12 buwan.

Credit: SBS News
"Regional home values have seen a slower recovery compared to capital city values but have now regained the losses from the downturn to reach a new record high," saad ni Ezzy.
Malakas din ang simula ng taon para sa Townsville, Rockhampton at Gladstone sa Queensland kung saan naitala sa bawat lugar ang 5.8 per cent, 5.1 per cent at 4.6 per cent, sa unang tatlong buwan ng 2024.
Pinakapopular sa kabuuan ng regional Australia ang mga property sa Gold Coast na may 17,986 na bahay na naibenta noong unang quarter, sa kabila ng pagtalon ng presyo sa 12.7 per cent sa loob ng 12 buwan.
Pasok naman ang Castlemaine sa Victoria sa top 10 suburbs para sa value growth, na umangat ng 3.8 per cent sa unang quarter ng 2024.
Dalawang lugar naman Victoria ay mas nagmura matapos na bumaba ang halaga ng bahay sa Portland at Ballarat sa 9.8 per cent at 4.2 per cent, sa loob ng 12 buwan.
Tumaas ang renta sa mga regional
Nagmahal din ang paupahan sa mga regional area kung saan tatlo lang sa 50 non-capital areas ang hindi nagtaas ang presyon ayon sa datos ng CoreLogic.
Ang lugar Batemans Bay sa south coast ng NSW ang may pinakamalaking quarterly rent increase sa 6 per cent.

Sumipa din 16.4 per cent sa loob nang nakaraang taon ang presyo ng paupahan sa Bunbury.
Tanging ang Nowra-Bomaderry, Maryborough at St-Georges Basin-Sanctuary ang walang naging pagtaas sa rental prices.
- With additional reporting by the Australian Associated Press (AAP).