Gampanan ang iyong parte sa mundo: Gawing tama ang pagre-recycle

Umaabot sa 74 milyong toneladang basura ang nakokolekta sa Australia sa buong taon, 60 porsyento dito ang maaaring i-recycle. Pero lumabas sa pag-aaral na ang pagkalito at kawalan ng kaalaman sa pagre-recycle ang dahilan kaya nalalagay sa kompromiso ang kanilang pinagsisikapan.

Recycling in Australia

Are we good recyclers? Source: Getty Images/Jessie Casson

Nagre-recycle ka ba? Bagama't karamihan sa atin ay sasagot ng 'oo' sa tanong na ito, ang pangunahing inaalala ay kung tama ba ang ginagawa natin.


Highlights

  • Wish-cycling ang pangunahing sanhi ng kontaminasyon
  • Ang recyclables ay kayamanan
  • Reuse at repurpose para sa mas maayos na kapaligiran

Ayon kay Pip Kiernan ang Chair ng Clean up Australia, bagaman batid na buong Australia ang kahalagahan ng recycling, subalit marami pa din ang nalilito kung ano ang maaring i-recycle at hindi.
89 porsyento ng mga Australian ay naniniwalang mahalaga ang recycling, pero tinatayang nasa 1 sa 3 lang ang gumagawa ng tama, kung ano ang mga dapat ilagay sa recycle bin.
Dahil ang paglalagay ng maling basura sa recycling bin o kaya ang pagbalot nito ng plastic ay nagiging sanhi ng kontaminasyon sa lahat ng recyclables at sa halip na i-recycle ang mga ito sa landfill sila itatapon.

Lumabas sa isang pag-aaral maraming tao ang naglalagay ng basura sa recycling bin, na hindi naman segurado na ito ay maaaring i-recycle o magagamit muli.

Tinatawag ito na “wish-cycling” at ito ang pangunahing sanhi ng kontaminasyon.
Recycling in Australia
Your recyclables should not be bagged when placing them into the kerbside recycling bin. Source: Getty Images/RUBEN BONILLA GONZALO
Paliwanag ni Ms Kiernan ang mga tissue, kitchen towels, tela, diaper ay naging sanhi ng kontaminasyon  sa isang buong sasakyan ng recyclables at mapanganib ito.

ay nagdudulot ng malaking problema kapag itinatapon sa recycle bin dahil ang tama ay may espesyal silang recycle stations.

Tandaan na ang recycling ay hindi lang iba-iba ang alituntunin sa bawat estado at teritoryo,  pati na rin sa mga local councils. 

Dahilan upang nagiging isang malaking hamon ang pagtuturo sa mga residente tungkol sa recycling sa buong bansa.

Recyclables isang mahalagang mapagkukunan

Importanteng suriin muna ang bawat local council kung ano ang maaaring i-recycle sa inyong lugar. 

Gayunpaman, patuloy ang pagbibigay ng libreng online na patuturo sa pamamagitan ng  sa kung ano ang mga basurang maaaring i-recycle sa bawat local council.

Ngunit may isang karaniwang alituntunin na sinusunod ng lahat, ito ay kapag magtatapon ng recyclables dapat ito ay  tuyo, malinis at hindi nakalagay sa plastic. 


"Isipin na ang mga bagay na ito ay maaaring mapagkukunan, "sabi ni Ms Kiernan.
Ang mga bagay na ito ay kailangang malinis at tuyo, para magagamit muli at mabigyan ng panibagong buhay.
Kaya ang isang lalagyan o container ay dapat walang laman, malinis at nakahiwalay ang metal na takip habang ang mamantika na pizza boxes  ay para sa general waste bins.

Dagdag ni Ms Kiernan may malaking maitutulong kapag sumunod sa simpleng alituntunin ang lahat  sa pagre-recycle.

Australian Recycling Label (ARL)

 ay nagbibigay ng simple at maayos na gabay sa mga mamimili  tungkol sa kung ano ang maaaring i-recyle at hindi. At karaniwang nakapaloob dito ay ang paghihiwalay ng mga bahagi  tulad ng takip at ang tinatawag na plastic sleeves.

Ibig sabihin ang ilang bahagi ng isang produkto ay itatapon sa general waste bin, habang ang iba ay maaaring i-recycle.
Australian Recycling Label
Australian Recycling Label (ARL) Source: Clean Up Australia
Kung ang isang produkto ay walang tatak  ARL at hindi segurado kung maaari itong i-recycle, mainam na itapon ito sa generaal waste bins, para walang mangyaring kontaminasyon.

Ihulog sa itinalagang lokasyon ang mga recyclables

Kung ang mga tinatawag na soft plastic ay hindi maaaring itapon sa mga  kerbside recycle bins, hindi nangangahulugan na hindi ito pwedeng i-recycle.

Dahil maaari itong dalhin sa mga drop off points ng Redcycle na makikita sa buong bansa.
ang kompanyang gumagawa ng paraan para i-recycle ang mga soft plastics. At  mayroon silang higit 1,900 drop off location sa buong bansa kasama ang naglalakihang supermarkets.

Ayon kay Rebecca Gleghorn, ang Marketing and Communication Manager ng RED Group, napakaraming soft plastic ang naililihis at hindi naitatapon sa landfill.
Hindi lang namin kayang i-recycle kahit anong uri ng may full silver(pilak), dahil sobrang taas ng aluminum content, hindi rin namin i-recycle ang soft plastics na biodegradable o nalalanta.
Ang mga compostable at biodegradable soft plastics ay dinesenyo na malanta at kapag ang ganitong uri ng plastic ay gagamitin para gawing ibang produkto madali itong nasisira.

Tandaan ang bawat local council ay may itinakdang araw sa pangongolekta ng ibang basura sa bahay na hindi nare-recycle, katulad ng e-wastes o mga electronic gadgets, white goods o appliances at x-ray films.

Kasama din sa kinokolekta ang mga mapanganib na kemikal at baterya para sa mas ligtas na pagtapon.

Reuse at repurpose para sa kinabukasan

Samantala, habang  ginagawa  ang recycling may magandang epekto ito sa kalikasan. Subalit hindi mababago nito ang katotohanan na ang lahat ng tao ay patuloy gumagawa at gumagamit ng maraming produkto sa araw-araw.

Kaya trending sa buong mundo ngayon kabilang dito sa Australia, kung saan ang mga tao ay nagbabahagi at tumatanggap ng mga bagay nang libre upang magamit muli.

Ito ang tinatawag na “Buy Nothing Project” na nagsimula sa US taong 2013 at simula noon sumikat na ito sa buong mundo.

Ayon kay Liv McGuiness na namamahala ng Buy Nothing Group na nakabase sa Sydney’s Hills district marami umano ang nagtatanong  kung saan nanggagaling at kanino nila ipinamimigay ang mga bagay.
Tumigil na kami sa pag-iisip na ang red bin ay isang magandang sistema kung saan kahit ano tinatapon lang ng basta-basta at pagkatapos ay nawawala na lang na parang bula.
Dahil naniniwala ito na ayaw ng maki-ambag ng mga tao sa pag-aaksaya na paraan gaya ng dati. 

Secondhand economy
Reusing and repurposing, the way of the future Source: Getty Images/Su Arslanoglu
Kabilang sa ipinamamahagi at natatanggap ng grupo araw-araw ay ang mga pinaglumaang laruan ng mga bata, hanggang sa mga damit na nakatago lang sa aparador subalit napapakinabangan pa.

Sinabi ni Ms McGuiness na ang mga bagay na madalas na itinuturing na 'walang halaga' ay ang nagiging sikat na pangregalo, gaya ng mga gumagalaw na kahon at plant cuttings.

Ang reusing at repurposing ng mga bagay ay may mas positibo at pangmatagalang epekto sa kapaligiran, at higit sa lahat nabubuo nito ang mas malalim na relasyon sa loob ng komunidad.

"Kapag nakakatanggap ng mga bagay mula sa kabutihan ng iba sa online na hindi ka kilala, wala din silang  koneksyon sa iyong buhay at walang alam sa iyong kalagayan ngunit handa silang magbigay ng walang inaasahang kapalit, sa palagay ko ito ang pinakamaganda at positibong bagay dito, sabi ni Ms McGuiness.

Isa din itong kamangha-manghang paraan upang makilala ang ibang tao at mabuo ang network, lalo na sa mga kakalipat sa komunidad.

Kung tayong lahat ay maglaan ng sandali at magmasid kung paano mag-recycle o magtapon ng ating mga basura sa tamang paraan, seguradong malaki ang magagawang pagbabago upang gampanan ang ating bahagi para sa mundong ating tanahan.

At ang pagbabagong iyon ay maaaring magsimula ngayon.

Share
Published 15 July 2022 11:57am
Updated 3 August 2022 6:53am
By Yumi Oba
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero


Share this with family and friends