Pinoy favourites: Pancit Pusit

Ibinahagi ni Sonny Lua, ang may-ari ng kilalang restawran sa Cavite na Asiong's, ang isa sa mga recipes ng kanilang pamilya - ang Pancit Pusit.

Pancit Pusit

Pancit Pusit also known as 'Pancit Choko en su Tinta'. Source: Sonny Lua

Ayon kay Mr Lua, ang Lola Jacinta niya ang nag-imbento ng putahe noong 1920s. Ang lola niya ang isa sa pinakamagaling na magluto sa pamilya nila noon.

Inimbento ni Lola Jacinta ang Pancit Pusit (na tinatawag din sa Chavacano na 'Pancit Choko en su Tinta') noong 1900s. Patuloy na hinahanda ni Mr Lua ang putaheng ito sa kanyang restawran na pinangalanan sa kanyang ama. Ang binago lang ni Mr Lua sa putahe ay ang consistency nito.

"Noong bata ako, soupy siya. Tapos nag-umpisa siya parang sabaw. It’s a soupy kind of dish but then through the years, naisip kong gawin siya as pancit," saad niya.

Ang ma-umami at malasang putaheng ito ay mahahanap sa anumang selebrasyon ng pamilyang Lua.

Itinatanghal nito ang pusit, ang maanghang na siling labuyo, ang maasim na kamias, at ang malutong na chicharon sa ibabaw ng pinaitim na sotanghon.

Mga sangkap:

1/2 kg, pusit

2 tbsp bawang, minced

1 pc sibuyas, chopped

Siling labuyo, to taste

3 pcs laurel leaf

Suka, to taste

Patis, to taste

Paminta, to taste

1/2 kg sotanghon, binabad sa tubig

Kinchay, coarsely chopped

Paraan ng pagluluto:

1. Linisin ang pusit. Tanggalin ang ink sac nito. I-slice.

2. Igisa ang bawang, sibuyas at laurel. garlic, onion, siling labuyo and bay leaf. Idagdag ang pusit, at gisahin ng isang minuto. Idagdag ang suka, patis at tinta.

3. Idagdag ang sotanghon.

4. Lagyan ng kinchay at siling labuyo kung ninanais.

5. Ihanda.

Note:

* Maaring gumamit ng tinta na nabibili sa bote imbis na mula sa ink sac.

BASAHIN DIN

Follow SBS Filipino on Facebook



Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends