Mga dapat mong malaman kaugnay sa NSW flood emergency

Higit 60,000 katao ang apektado ng mga kasalukuyang evacuation orders at babala sa New South Wales. At ayon sa Bureau of Metereology, asahang mas lalala pa ang kondisyon sa mga susunod na 24 hanggang 48 oras.

A member of the public walks through floodwater after the Georges River burst its banks in Picnic Point south-west of Sydney, Tuesday, March 8, 2022.

A member of the public walks through floodwater after the Georges River burst its banks in Picnic Point south-west of Sydney, Tuesday, March 8, 2022. Source: AAP Image / Bianca De Marchi

Kasalukuyang dumaranas ng masamang panahon ang mga residente ng New South Wales. Narito ang listahan ng mga lugar kung saan kinakailangang lumikas ang mga residente sa loob ng 24 oras:

  • Sussex Inlet
  • Kempsey
  • St Georges Basin
  • Camden
  • Croki
  • Picnic Point
  • Pleasure Point
  • Sandy Point
  • Warwick Farm
  • Moorebank
  • Milperra
  • Lansvale
  • Holsworthy
  • Georges Hall
  • Chipping
  • East Hills
Nagsimula na umapaw ang Manly Dam at inaabisuhan na ring lumikas ang mga residente na nakatira malapit dito. Alamin ang mga bagong update mula sa .

Samantala, bukas ang Freshwater Surf Life Saving Club para sa mga apektado ng mga pagbaha. 


Inabisuhan ng State Emergency Service (SES) ang mga residente na lumikas habang patuloy pa rin ang mga pag-ulan. Nangangamba ang mga otoridad na maaaring ma-isolate ang mga lugar na lubhang maaapektuhan. Dagdag nito, kung mawalan ng kuryente o iba pang importanteng serbisyo, maaaring malagay sa panganib ang sinumang hindi lilikas at baka mahihirapan nang ma-rescue. 

Hangga't maaari, umiwas sa tubig-baha, manatili pansamantala kasama ang mga kapamilya at kaibigan. Kung walang ibang mapupuntahan, narito ang listahan ng mga na pwedeng puntahan.  


Kung kinakailangang lumabas ng bahay, narito ang paalala ng State Emergency Service:

  • Isama ang mga alagang hayop at magdala ng mga kakailanganing bagay, extrang damit, gamot, insurance documents at iba pang mahahalagang bagay o dokumento. 
  • Dalhin sa ibang lugar ang mga personal na gamit 
  • Lumikas ng mas maaga para maiwasan ang malalang trapik sa daan
  • Magdala ng inuming tubig at pagkain sakaling mas mahaba ang inyong byahe
  • Ipaalam sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay ang iyong plano.

Narito ang , kung saan inaabisuhang lumikas ang mga residente.

Maaaring i-check ang listahan ng mga saradong daan sa  .

Alamin ang mga bagong update at abiso mula sa .

Para sa mga nangangailangan ng tulong na non-life threatening emergency dulot ng pagbaha o bagyo, maaring tumawag sa SES Assistance 132 500 pero kung ang sitwasyon ay mapanganib o life threatening, maaring tumawag sa Triple Zero (000)

Share
Published 8 March 2022 3:43pm
Updated 9 March 2022 8:38pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends