NSW flood emergency: Bumubuti na ang kondisyon ng panahon pero nakataas pa rin ang banta ng pagbaha

Narito ang update ngayong Miyerkules, Marso 11 kaugnay sa mga kondisyon ng panahon sa NSW.

Floodwater from the swollen Hawkesbury river is seen at Windsor, north west of Sydney, Thursday, March 3, 2022. A developing low pressure system is expected to intensify overnight impacting Sydney with heavy rain that could cause flash flooding and potent

Floodwater from the swollen Hawkesbury river is seen at Windsor, north west of Sydney, Source: AAP/Dan Himbrechts

Unti-unti nang bumubuti ang kondisyon ng panahon sa New South Wales ngayong Byernes, pero nakataas pa rin ang babala ng pagbaha. 

Mataas pa rin ang tubig-baha sa Wollombi Brook sa Bulga, timog kanlurang bahagi ng Singleton, Barwon River sa Mungindi, malapit sa border ng Queensland. 

Nagdudulot naman ang Hunter River ng katamtamang pagtaas ng tubig-baha sa Maitland, at malapit na din itong mapuno. 

Samantala, bumaba naman ang tubig-baha sa Hawkesbury River pero asahan pa rin ang pagbaha sa North Richmond, Windsor at Sackville. 

May kaunting pagbaha sa Colo River at Putty Road.

Bagamat naiulat ng Bureau Metereology na titigil na ang sunod-sunod na pag-ulan, may banta pa rin ng pagbaha sa susunod na linggo sakaling umapaw pa ang ilang mga ilog. 

Maaaring i-check ang listahan ng mga saradong daan sa  .

Samantala, may nakataas pa rin na babala na peligroso pa rin mag-surf sa Macquarie, Hunter, Sydney, Illawarra, Batemans at Eden coasts. 


Narito ang ng mga lugar kung saan ipinapatupad ang evacution order. 

Inabisuhan ng State Emergency Service (SES) ang ilang mga residente na lumikas sa mga lugar na apektado ng mga pagbaha sa estado. Dagdag nito, kung magpapatuloy pa ang malakas na ulan, maaaring ma-isolate ang kanilang lugar. 

Babala din ng SES na kung hindi lilikas, maaaring ma-trap ang mga residente at  mahirapan ang mga ito sakaling mawalan ng kuryente, tubig, at iba pang serbisyo. Maaari ding mahirapan na ma-rescue ang mga ito kung sakaling lumala pa ang sitwasyon. 

Paalala ng mga otoridad, manatili pansamantala sa bahay ng mga kapamilya o kaibigan. Kung walang ibang mapupuntahan, narito ang listahan ng mga  na pwedeng puntahan.
Floodwaters instructions in English
Source: NSW Multicultural Health Communication Service

Kung kinakailangang lumabas ng bahay, narito ang paalala ng State Emergency Service:

  • Isama ang mga alagang hayop at magdala ng mga kakailanganing bagay, extrang damit, gamot, insurance documents at iba pang mahahalagang bagay o dokumento. 
  • Dalhin sa ibang lugar ang mga personal na gamit 
  • Lumikas ng mas maaga para maiwasan ang malalang trapik sa daan
  • Magdala ng inuming tubig at pagkain sakaling mas mahaba ang inyong byahe
  • Ipaalam sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay ang iyong plano. 

 

Alamin ang pinakahuling mga update kaugnay sa lagay ng panahon mula sa .

 

Alamin ang mga bagong update at abiso mula sa .

Para sa mga nangangailangan ng tulong na non-life threatening emergency dulot ng pagbaha o bagyo, maaring tumawag sa SES Assistance 132 500 pero kung ang sitwasyon ay mapanganib o life threatening, maaring tumawag sa Triple Zero (000)

Share
Published 11 March 2022 5:15pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends