Sa ngayon, ipinapatupad ang stay at home orders sa mga residente ng Greater Sydney kabilang ang Blue Mountains at Wollongong local government areas. Pero habang papataas ang bilang ng mga nagpapabakuna, inaasahang babawasan pa ng gobyerno ang mga ipinapatupad na restriksyon.
May (LGA) na natukoy na hotspots ang NSW Health dahil sa COVID-19 Delta outbreak.
Simula Lunes, Setyembre 13, papayagang magtipon sa labas ang mga fully vaccinated na residente, basta’t hindi lalagpas sa limang katao. Pero hindi maaaring lumayo sa 5km mula sa tahanan ang pwedeng puntahan.
Para sa mga residente na nakatira sa 12 LGA of concern:
- Pwede nang magpicnic ang pamilya kung fully vaccinated ang mga adult na kasama sa bahay at hindi pwedeng lumayo sa 5km radius.
- Ipapatupad pa rin ang curfew at limitado pa rin ang oras ng pag-eehersisyo.
Siguruhin din na may dala kang .

There are 12 Local Government Areas (LGAs) of concern in Greater Sydney including some suburbs in Penrith. Source: SBS
Regional NSW
Para sa ilang lugar sa regional NSW na itinuturing na low risk, kung saan walang naitalang mga bagong kaso nitong nakaraang dalawang linggo, hindi na ipapatupad ang stay at home orders.
- Papayagang magkaroon ng hanggang limang bisita sa bahay (hindi kasama sa bilang ang mga batang may edad 12 pababa)
- Pwede na magtipon ang 20 katao sa labas
- Papayagan ding magbukas ang mga hospitality, retail stores at mga gym, pero may mga restriksyon pa ring ipapatupad
Map of Metropolitan Sydney

Map showing Metropolitan Sydney Source: NSW Government
Habang tumataas ang bilang ng mga nagpapabakuna, inaasahang magluluwag pa ng restriksyon para sa mga fully vaccinated na residente.
"Stay-at-home orders for adults who have received both doses of the COVID-19 vaccine will be lifted from the Monday after NSW passes the 70 per cent double vaccination target," ayon sa gobyerno.
Tanging mga residente na bakunado ng dalawang dose at mga may medical exemption ang makakatamasa ng ‘kalayaan’, sa ilalim ng Reopening NSW roadmap.
Kapag naabot ng estado ang 80 per cent na target, mag-aanunsyo ulit ng karagdagang pagluluwag ng mga restriksyon.
Mapa ng Greater Sydney, Central Coast, Shellharbour, Blue Mountains, Wollongong
Alamin ang mga updates sa higit 60 wika

Greater Sydney, Central Coast, Shellharbour, Blue Mountains and Wollongong, showing where restrictions applied. Source: NSW Government