NSW may dagdag ayuda para sa mga binaha, flood warnings nakataas pa rin sa ilang lugar

Scenes in Lismore, NSW, after the devastating floods during the weekend.

Scenes in Lismore, NSW, after the devastating floods during the weekend. Source: AAP Image/Jason O'Brien

Nagbigay na ng huling flood warnings ang Bureau of Meteorology sa nakalipas na 24 oras gawa ng paghupa ng mga baha sa Lower Hunter, Hawkesbury, Lachlan, Lower Weir, Lower Macintyre at Snowy rivers.

Ang mga tren sa Sydney ay pansamantalang papalitan ng mga bus.

Abiso ni Sydney Trains chief executive na si Matt Longland sa 2-G-B radio station na may mga ruta parin na may baha.


 

Magbibigay ng tulong pinansyal ang gobyernong pederal sa mga nasalanta ng baha sa Queensland at New South Wales.

Kasama sa tulong pinansyal na ito ang $1,000 recovery payment, na hanggang 13-linggong allowance, at $900 personal hardship support, kabilang narin ang mga grants para sa mga magsasaka at maliliit na negosyo.

Upang malaman ang ibat ibang suporta sa inyong lugar at mga hakbang sa pagkuha nito, bisitahin ang .


 

Sa nakaraang dalawang linggo, pinayuhan ng State Emergency Services (SES) ang mga tao na lumikas sa mga mapiligrong lugar upang maiwasan ang isolation. 

Ilan sa mga abiso ay epektibo parin. Ang updated na mapa ng mga apektadong lugar sa Sydney ay makikita

Umiwas sa mga lugar na may baha, kasama man ang pamilya o mga kaibigan. Kung hindi ito maari, narito ang mga  na maaaring puntahan.


Floodwaters instructions in English
Source: NSW Multicultural Health Communication Service

 

Maging updated sa mga pinakahuling forecast ng .

Tignan ang mga road closures sa .

Alamin ang mga pinakahuling pagbabago sa .

Kung ikaw ay nasa isang life-threatening emergency situation, tumawag sa Triple Zero (000). Tumawag naman sa NSW SES sa numerong 132 500 kung ikaw ay nakaranas ng pagkasira ng ari-arian mula sa mga bagyo, baha, malalakas na hangin at mga natumbang puno na maaring makadisgrasya ng tao o ari-arian. 

Share
Published 14 March 2022 2:49pm
Updated 15 March 2022 7:18pm
Presented by David Joshua Delos Reyes


Share this with family and friends