Patuloy na nagiging multicultural ang Australia base sa inilabas na 2021 Census.
Pumalo sa halos 25.5 million (25,422,788) ang populasyon ng Australia na hindi kabilang ang overseas visitors sa naganap na Census night.

Source: Australian Bureau of Statistics
Sa pahayag ni Dr David Gruen AO na isang Australian Statistician, ipinakikita anya ng data na ito kung paano nagbago ang bansa base sa mamamayan nito.
“Every stat tells a story and today we are sharing a glimpse into the stories of almost 25.5 million Australians. This accurate and valuable data reveals who we are as a nation and how we have changed.”
Lumabas sa data na malaki ang pagtaas ng bilang ng mga komunidad ng Nepal, India, Pakistan, Iraq at Pilipinas.

Source: Australian Bureau of Statistics
Nanguna naman ang England na may 927,490 habang pumangalawa sa pwesto ang India na may 673,352. Pinakamalaking pagtaas ng bilang ang India na nagresulta sa pag-ungos nito sa China at New Zealand na sa ngayon ay nasa ikatatlo at ikaapat na pwesto. Nanatiling panglima ang mga Pilipino na may bilang na 310,000
Sa kabuuang bilang ng galing sa Pilipinas, mahigit dalawandaang libo (203,938) ang Australian Citizen.
Ang limang nangungunang ancestry naman sa Australia ay English na may 33%, Australian 29.9%, irish 9.5%, Scottish 8.6% at Chinese 5.5%.
Mahigit apatnaraang libo (408,842) naman ang nagsabing Filipino ang kanilang ancestry.
Pinakamarami ay sa New South Wales sa bilang na 152,803 na sinundan ng Victoria na may na 95,186, Queensland na may 73,805, Western Australia na may 46,785, South Australia 21,257, Northern Territory na may 8,250, Australian Capital Territory, 7,293 at Tasmania na may 3,389.

Source: Australian Bureau of Statistics
Mandarin naman ang pinakakaraniwang wika na gamit sa mga bahay sa Australia maliban sa Ingles kung saan may 685,274 ang nagsasalita ng Mandarin. Sinundan naman ito ng Arabic na may 367,159.
Ang bilang naman ng nagsasalita ng mga wika sa Pilipinas, Tagalog ay 131,195, Filipino ay 90,853, Bisaya ay 6,406 Cebuano ay 4,732, Ilonggo (Hiligaynon) ay 1,148, Ilokano ay 841, Pampangan ay 382 at Bikol ay 141. 

Source: Australian Bureau of Statistics